TUWANG-TUWA ang ina at sinusulit ang stay nila sa hotel na iyon. Malambot na kama, magandang silid, magaranh banyo at masasarap na pagkain. Maaga pa lamang ay gising na ang ina at nakabihis na. Agahan daw nitong pupunta sa almusal dahil buffet daw iyon. Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang ina. Mabilis na tinungo ang restaurant katabi ng function hall ng hotel. Mukhang abalang-abala ang nasa kabilang silid kahit alas otso pa lamang ng umaga. "Mukhang may Christmas party anak.." turan ng ina na nang-usisa pa talaga at nakipag-usap. Saktong nakilala ang mga ito na mga kasama ni Giezl sa reception. Hindi na rin niya napigilang tanungin kung anong oras ang breaktime ng mga ito dahil gusto niyang makakuwentuhan si Giezl. Matapos mabusog ay bumalik sila sa silid. Napapailing na lamang