NOON AY NAALALA ni Nikka baka parating na ang tiyuhin at ang anak kaya mabilis na lumabas sa silid. Nagtama agad ang paningin nila ni Travis. Kapwa naumid ang dila. "Sorry.." nanulas sa lalamunan ni Travis. Hindi naman niya akalaing ang pagiging sweet ng kapatid ay magdudulot ng misynderstanding sa kanila. "Wala iyon. Ayaw ko lang ng gulo." Aniya rito. "Kung gusto mo ay ipakilala kita sa pamilya ko. Tutal ay gusto ka rin nilang makilala." Agad na saad ni Travis. Batid kasi niyang hindi lubusang naniniwala si Nikka. "Nakakahiya naman," aniya ngunit nang maalala ang anak ay kinabahan siya. Hindi pa alam ni Travis ang bulok ng kaniyang nakaraan at ewan ba niya kung bakit hindi pa siya handang ipaalam rito na may anak siya. "Pwede ba sa ibang lugar tayo mag-usap.." atubiling turan dito.