When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NANG PUMATAK ang alas tres ay muli silang lumulan ni Travis sa sasakyan nito at tinugpa nito ang daan papunta sa bahay nina Mang Roman. Marahil ay nadala na siya ng lalaki roon dahil alam na nito ang daan papunta sa kabilang baryo. Pabungad pa lamang sila ay naroroon na si Mang Roman na nakaabang sa kanila. Siguro ay sinabi ni Travis dito ang planong pagdalaw at alam na rin ng lalaki ang schedule ng uwi nito kaya nang mag-alas tres ay magyaya na ito. Magiliw silang pinapasok ni Mang Roman sa maliit na bahay ng mga ito. Doon ay nakita ang dalawang anak nito. Mukhang ilang buwan pa lamang ang bunso nito at nasa sampung taon ang panganay. Isa sa dahilan kung bakit medyo nahirapan ito sa pangalawang pagkakataon at idagdag na rin ang edad nitong trenta y nueve. Masayang pinasalamatan ito ng