"Aray ko Felix nasasaktan ako!" bulyaw ni Joy sa asawa. Halos kaladkarin na siya nito palabas sa party kung saan dinaraos ang birthday ng isa nitong kaibigan.
"Talagang masasaktan ka sa akin Joy, sino ang lalaking kasama mo na sinabi ni Claire?" matigas na tanong nito sa kaniya. Hindi niya inaasahang nakita pala siya ng kakilala ng asawa nang minsang magkita sila ni Terrence sa isang coffee shop.
"Wala! Hindi ko alam. Baka hindi ako ang nakita ni Claire. Baka si....si... oo si Grace iyon," kaila niya.
Si Grace ang kaniyang kakambal.
"Bullsh*t! Huwag mo akong pagmukhaing tanga Joy. Paanong mapupunta sa Manila si Grace kung may anak ito at may sakit ina niyo?" giit nito na talagang dinikdik na siya at walang lusot.
Pinipilit niyang kumawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa braso.
"Aray ko Felix!" Angal niya nang hawakan siya ng asawa sa baba niya.
"Malaman-laman ko lang na iniiputan mo ako sa ulo ay alam mo ang kalalagyan mo Joy. Alam kong ayaw mo nang bumalik sa hirap kaya nagtitiyaga ka sa akin kaya sumunod ka na lamang sa gusto ko! Maliwanag!" malakas na singhal ni Felix sa mukha niya saka siya dinuro nito. Halos matumba siya.
"Hindi nga ako iyon!" giit.
"Ano ang nakita ni Claire, multo!" galit na sabad nito.
Hindi mapigilan ni Joy ang umiyak na lamang sa pagkaawa sa sarili. Kung hindi lang siya kasal sa asawa ay lalayasan na niya ito tutal ay wala pa naman silang anak.
Papalabas na sila Terrence sa function room na ginanapan ng isang party para sa kanilang panauhin galing Japan ng maagaw ang pansin nila sa pares na kalalabas sa kabilang room. Isasawalang bahala niya sana ito ngunit narinig ang tinig ng babae at ang pangalang binanggit nito.
"Aray ko Felix nasasaktan ako!" dinig na wika ng babae.
'Joy,' agad na nasambit sa sarili.
Masama man pero nakinig siya sa usapan ng mga ito at natikom ang kamao nang masilip ang ginawa nito kay Joy. Napahugot siya ng buntong hininga at nag-ipon ng lakas ng loob saka susugod na sana ngunit isang ala bakal na kamay ang pumigil sa kaniya. Si Gino.
"Are you crazy? Susugod ka! Away mag-asawa iyon! Did you understand that?!" Sermon na naman nito sa kaniya.
"Have you seen—"
"I saw and I heard but none of your business!"
"Pero—"
"Uulitin ko. Away mag-asawa kaya halika na!" Hila ng kaibigan.
Hindi pa man nakakalayo nang kapwa sila napalingon dalawa ng marinig ang kumusyon sa dalawa. Pigil na pigil ni Terrence ang sariling sugurin ang asawa ni Joy. Pagkaawa ang naramdaman ng nakitang napaupo pa sa sahig si Joy matapos iduro-duro ng asawa nito saka na lamang iniwan.
Alam niyang siya ang pinag-aawayan ng dalawa. Mula sa narinig kanina ay may nakakita sa kanila noong magkita sila sa coffee shop.
"Dahil sa'yo, napapahamak siya. Dapat mo lang siyang layuan," usig pa ni Gian bago siya nito hinila papasok muli sa loob.
Ngunit hindi mawala-wala sa isipan si Joy. Nagdurusa ito sa asawang walang kuwenta. Nang maalala ang numero nito ay agad na tinawagan.
"Hel—low," garalgal na tinig nito.
"Anong nangyari? Nasaan ka?" agad na tanong.
"Nasa CR lang ako. Huwag ka munang tumawag ha. Galit kasi ang asawa ko," anito na halata sa boses ang panginginig.
"Nandito ako sa building kung nasaan ka. Nakita ko kayo ng asawa mo," deretsahang wika.
"Ha?!" gulat na sabad nito sa kaniya.
"Sh*t, Joy! Bakit hinahayaan mong ganoon-ganoonin ka ng asawa mo? Pinigil lang ako ni Gian, kung hindi ay mabubugbog ko iyang asawa mo," galit na wika.
Narinig pa niya ang ilang pagsinghot ni Joy gawa ng pag-iyak nito.
"Huwag ka nang umiyak. He doesn't deserve any single tears. Iwan mo na siya at sumama ka sa akin. Tutulungan kita. Kaya kong suportahan ang pamilya mo," aniya.
Desperado na siyang mailayo si Joy sa mala-demonyo nitong asawa.
"Mahal ko siya eh," ani ni Joy na nagpataas ng dugo sa utak niya.
"Mahal mo kahit sinasaktan kana! Di ba sabi mo ayaw mo lang maghirap. Pwes! Kaya rin kitang gawing reyna." Kumbinse rito hanggang sa maulinigan na tila tinatawag na ito ng asawa.
Natahimik si Joy. Oo alam niyang may kaya si Terrence, halata iyon sa pananamit at lifestyle nito pero mahal niya si Felix. Hindi lang naman dahil sa pera nito kaya siya nagpakasal sa lalaki dahil may nararamdaman siya rito. Mahal niya ito.
"Terrence, naaawa ka lang sa akin," aniya ng makabawi.
"Hindi, Joy, mula ng makita kita naramdaman ko ito. Alam kong mabilis pero totoo ito, mahal na yata kita," giit sa babae.
"Joy alam kong nandiyan ka. Lumabas ka!" tawag ni Felix sa kaniya kaya mabilis siyang nagpaalam kay Terrence.
"Sige na at please lang huwag na huwag mo muna akong tatawagan. Hintayin mo na lang na ako ang tatawag sa'yo," wika saka tuluyang pinatay ang tawag.
Pagkalabas ng CR ay naroroon ang asawa. Mukhang okay na ito dahil hindi na ito galit.
"I'm sorry," dinig na sambit nito.
Pinilit ngumiti rito.
"Sorry din, doon ko lang naman nakilala ang lalaking iyon eh. Katatapos lang natin mag-usap noon tungkol sa pagkakasakit ni inang kaya napaiyak ako noon. He came and asked why pero hanggang doon lang iyon," kaila at paliwanag rito.
"Okay, sorry din. Nagselos lang ako," anito saka siya niyakap at hinalikan sa noo.
Sweet naman si Felix pero gaya ng sabi niya ay nagselos lamang siya. May pagkabayolente minsan lalo na kung nalalamangan ito.
Paglabas nila roon ay masaya na nilang nilisan ang lugar. Nagpaalam na raw naman daw ito sa kanilang mga kaibigan. Hawak na nito ang palad niya nang madaan silang muli sa entrance ng function room na iyon at doon ay nakita nga si Terrence habang nakapamulsa itong matiim na nakamasid sa kanila.
Mabilis na hinila si Felix bago pa nito mapansin si Terrence. Nakahinga na lamang siya ng maluwag ng nasa loob na sila ng kanilang sasakyan.
Banas na banas si Terence nang makitang magka-holding pa sina Joy at ang asawa nito matapos siyang hamakin nito at saktan. Siguro nga ay dahil nagseselos siya sa asawa nito.
"Don't tell me nagseselos ka!" Tinig na umagaw sa kaniya. As usual ay si Gian iyon.
Hindi niya ito sinagot bagkus ay pumasok na lamang siya at nakihalubilo sa kanilang mga kliyente.
Nang makapasok ay pinilit ituon sa mga kausap ang isipan ngunit hindi maalis sa kaniyang isipin ang kalagayan ni Joy. Nang makita itong sinasaktan ng asawa nito kanina ay halos sugurin ito at pagsusuntukin. Hindi na rin niya maunawaan ang sarili kung gusto ba talaga niya si Joy o naaawa lamang siya rito gaya ng sabi nito nang tawagan ito.