"Fatfat, anak, ito na ang baon mo." Ibinigay ko sa kanya ang lunch box niya na naglalaman ng kanyang baong pagkain. Nakauwi na kami mula sa dalawang araw na bakasyon. Napangiti ako nang maalala ko ang pag-pro-pose ni Andrei sa akin. Engaged na kami ni jumbo hotdog este ni Andrei. Napahawak ako sa aking pisngi dahil pakiramdam ko nag-init iyon. Kinikilig ang mga taba ko. "Mommy, bakit ngumingiti kayong mag-isa?" tanong ni Fatfat habang inosenteng nakatunghay sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ano ba iyan hindi ko namalayan na kasama ko pala ang anak ko. “Wala, anak, may naalala lang ako. Halika ka na ihahatid na kita sa school mo, baka ma-late ka na," hinawakan ko na ang kamay niya. Papasok na rin ako sa hospital. Si Andrei naman ay maagang umalis dahil may meeting daw ang brigade n