S.A.I.N.T.S. – 1: Mission Failed

1869 Words
Third Person’s P.O.V.   May pumaradang itim na van at dalawang motorsiklo na di kalayuan sa mansion ni Dr. Guillermo Arce De Fure, isang kilalang scientist.   May lumabas na dalawang babae mula sa van at lumapit sa dalawang taong nakasakay sa motor. Hating gabi na at madilim ang paligid, tulog na lahat ng tao sa lugar na yun at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar.   Tinanggal ng mga nakasakay sa motor ang kanilang helmet. Pawang mga babae din ang nakasakay dito at nagsimula silang maglakad patungo sa mansion ng mabilis at walang ingay.   Unti-unti silang nakalapit sa gate ng mansion at lumihis sila ng direksyon, ang dalawa sa kanila ay nagtungo sa kanan samantalang ang dalawa naman ay sa kaliwa.     Ice’s P.O.V.    “Tammie, naka-set na lahat sana lang walang maging aberya ang misyong ito para matapos natin ng mabilis.”   “Oo nga! Para maaga rin tayong makapag-beauty rest.”   “Kamusta na kaya yung apat? Nakapasok na kaya sila sa loob?”   “Hay naku! Sana isa nalang ako sa pumasok sa loob para naman makita ko yung laboratory ni Doc. Guiller, isa pa naman siya sa aking iniidolo.”    Itong si Tammie ay frustrated scientist pero magaling yan, pero sorry nalang siya kasi, yung din ang dahilan kung bakit nandito lang kami sa van para i-monitor yung apat. Kung siya gustong makita yung lab ako naman curious sa technology na ginagamit dito. Mahilig kasi ako sa machines at malamang dahil dun tumagal ang misyong ito.    “Huwag mo na ngang dibdibin yun parehas lang tayo. Why don’t we just talk to them?”   “Okay!” Pinindot na ni Tammie yung button para makaconnect at makausap naming yung apat.   Nakakarinding tunog ng feedback ang aking narinig pagka-on ni Tammie.   “Ouch! Tammie ang sakit sa tenga ayusin mo nga!”   “TAMMIIEEE!”   Sumigaw rin yung apat naming kasama ni Tammie na nasa loob ng mansion. Sila Stephie, Aeva, Sab at my lovey Cola.   At ako naman si Iseah or call me Ice at tinatawag namin ang mga sarili namin na...    S.A.I.N.T.S.    Hindi kami santo!   Pero wala kaming sinasanto...   Bata palang kami sinanay na kaming maging ganito. Maging maganda, elegante, malakas, matapang, matalino, walang kinatatakutan . Tinuruan kaming lumaban at maging bihasa sa iba’t ibang uri ng martial arts at sandata ma pa baril, espada at kung anu ano pa.    Ginawa kaming ganito sa isang kadahilanan ang pumatay. Misyon naming patayin ang kahit na sino sa oras na ipag-utos ito ni Madame Z.   “Oo na oh, eto na, hindi lang naman kayo ang nasaktan ang eardrums, ako rin! Hmp!”   Inayos na ni Tammie yung connections naming sa isa’t isa.   “Ok na ba SAINTS?”   “Yes Tammie!” SAINTS.    “Much better, so SAINTS, nakapwesto na ba kayo?”   “Stephie here, nakapwesto na kami ni besty Aeva, ewan ko lang kay Sab at Cola.... sheez hoy Aeva! Wag mo akong ubusan.... maraming guards patungo dito sa private lab ni doc, sige i-check nyo muna si Sab at Cola.”   “Sige okay.” Kahit talaga kalian yung magbesty na yun lagi nalang nagpapaligsahan, kahit sa misyon. Good luck nalang sa kanila.   Tapos tinry naming komunekta kay Sab dahil bigla siyang nawalan ng signal.    Connecting to Sab.....   After 30 seconds.   Connected.   “s**t! Sab anong nangyari sayo bakit naputol ang connection mo?”   “Sab, ano na? Na-connect mo na ba yung CCTV nila sa computer natin?”- Tammie   “May censor kasi yung signals dito sa control room nila kaya kailangan kung i-disconnect yung communication device natin, mahirap na baka tumunog yung alarm system nila, madadagdagan pa yung gagawin natin. No worries! Kontrolado mo na Tam’s yung mga CCTV.”   “Thank’s Sab you’re the best! But please lang ha stop calling me Tam’s, I hate it!”   Tumawa nalang si Sab.   “Hahahaha! Whatever! I-monitor muna si Cola baka andun na siya sa study room ni doc? Papunta narin ako dun para may back up siya.”   As Sab said nakikita na namin silang apat sa computer namin na kinonekta ni Sab sa CCTV ng mansion.   “Okay nakikita ko na si Cola, ang bilis talaga ng babaing yun kaya loves na loves ko yun eh.”    “Tsk! Natitibo ka na naman kay Cola.”   Hindi ko nalang pinanasin yung sinabi ni Tammie, ah basta ako loves ko si Cola! Period!   “Hi! Lovey, Kamusta na?”   Tumango lang siya sa CCTV ng isang beses tapos nag-thumbs up which means she’s okay. Tsss.... tinatamad na namang magsalita. She’s observing the study room now.   “Icy, blueprints?”   Miss one liner.   Ako lang ang nakakaintindi sa mga sinasabi ni Cola na one liner.   “Yes nasa akin.”   “Secret passage?”   “Wala lovey eh!”   “Compartment?”   “Sa ilalim ng study table.”   “Thanks.”     Stephie’s P.O.V.   Nag-squat ako at sinuntok ko ng ubod lakas yung guard sa sikmura. Ayun tumba.   “Seven!” Malakas kong sigaw kay besty Aeva.   “That’s my ninth.” Pahumble naman na sabi ni besty pagkatapos niyang sabay patumbahin ang dalawang guards gamit ang capoeria moves kung sa binuhat niya ang katawan niya gamit ang dalawang kamay at nag-paikot-ikot ang kanyang dalawang paa.    “Ang daya naman!” Yan nalang ang nasabi ko.   “Ganun talaga kasi I’m more beautiful than you at lapitin ako ng mga boys!”   “Ha-ha-ha! Feeler ka namang masyado! I’m the most beautiful kasi ayaw akong lapitan ng mga guards because they don’t want to hurt me!”   “DUH!”   “Let’s go na lang nga, let’s find that files sa lab para matapos na ito.”   “Ice, saan banda sa lab yung secret passage patungo sa confedential files?”   “Just go straight Aeva, tapos may makikita kayong machine for hand prints. May binigay na akong gloves kay Stephie kanina, nandun yung hand prints ni Dr. Oheda yung assistant ni Dr. Guiller.”   “Besty, let’s go straight.”   “Okie dokie!”   Pagpasok namin sa lab.   Wow! Ang dami pa ring guards, ganun ka important yung files na yun. I’m so excited!   “Aeva, this time matatalo ka na!”   “Asa much!”   “Then what are we waiting for!”   “Let the battle begins!” Sabay naming sabi ni Aeva.   Sinugod naming isa-isa yung mga guards na nagbabantay sa files. Bawat tumba ng mga guards points, paramihan system lang naman kami at ng maubos na naming lahat.   “Final count?” Tanong ko kay besty.   “19!”   “21, I won, what did I told you earlier?” I said smiling with a grin on my beautiful pretty face.   “Madaya ka kasi, nang aagaw ka ng laruan!”   “Like duh! I won fair and square.”   “Ok fine besty! You won! Now give me that glove so that we can get the files and leave this place.”   Ginamit na naming yung glove at kinuha yung files.     Cola’s P.O.V.   Binuksan ko yung compartment sa ilalim ng study table.   Geez! Walang laman.   Tapos biglang may tumunog na isang maliit na device na bago sa paningin ko dun sa loob ng compartment. Hindi ko ito inaasahan.   “Hey SAINTS! I think we’re busted!”                                  “Say What?!”   “I triggered a device inside the compartment. I never expected it.”   “s**t! Lovey may paparating!”   Dahil sa sinabi ni Ice mabilis kong tinakapan ng mask yung mukha ko mula sa bibig hanggang ilong.   Bumukas yung pinto at lumiwanag ang paligid.   Pagpasok ko kanina dito sa study room hindi ko na inabala ang sarili kong buksan ang ilaw dahil kaya naming nakaramdam at kumilos sa dilim. Isa yun sa mga kakayahan naming mga SAINTS.   “Sino ka? Anong kailangan mo?”   Nakatalikod ako mula sa study table kaya dahan-dahan akong humarap. Nakita ko si Dr. Guillermo Arce De Fure na may hawak na puting revolver na nakatutuk sa akin.   “Dr. Arce, wala pong kailangan masaktan dito ang gusto ko lang sana ay makuha yung blue book at mga CD’s na naglalaman ng mga illegal na gawin ng KRONUS.”   “Sinungaling! Walang masasaktan. Hindi ako naniniwala sayo! Isa kang assasins inutusan ka para kunin ang blue book at CD’s sa kahit anong paraan. Kaya wag mo ang niloloko hindi ako tanga!”   “Hindi yun ganun kadali? Kilala mo ba ang KRONUS? Mga wala silang puso. Sa likod ng magandang imahen nila sa publiko at gobyerno nagtatago ang isang halimaw na pwedeng sumira sa bansang ito. Sa oras na papunta sa ibang kamay ang blue book at CD’s ng KRONUS manganganib ang buhay ko at ng mag-ina ko! Hindi ko hahayaang mangyari yun.”   “Pero yun ang mission ko kailangan makuha ko yun para patayin namin ang susunod naming target, walang iba kundi ang pinuno ng KRONUS.”   “Bakit akala mo ba madali mong magagawa ang pagpatay sa pinuno ng KRONUS. Masyado ka pang bata, marami ka pang dapat malaman kung paano kumilos ang KRONUS.”   Sa kalaginaan ng aming pag-uusap tumunog ang cellphone ni Doc.   “H..hello.”   Sa itsura ngayon ni Doc nababakas na hindi magandang balita ang natanggap niya mula sa kausap.   “Ayos lang ba kayo?” Lumapit ako sa kinatatayuan ni Doc., ngunit binato niya ang cellphone niya kaya napatigil ako.   “Huwag kang lalapit!” Natatarantang nagtungo siya sa study table. Malamig naman sa loob ng kwarto ngunit unti-unti kung napapasin na pinagpapawisan si Doc., at na nginginig sa takot. May kinuha siya sa drawer ng table.   Isang antique na gold watch.   “Alam na nila na napasok nyo ang private files sa laboratory.”   Nagtagumpay sila Aeva at Stephie.   “At katapusan ko na!” Sabi ni Doc., na umiiyak na.   Tinutok niya yung revolver na dala niya sa sintido.   “Anong balak nyong gawin?”   “Lahat ng mga gawain ng KRONUS ay nakapaloob sa CD’s, samantalang ang mga kasapi nito ay nasa blue book. Kung gusto mong mahanap ang kinaroroonan nito ito ang kailangan mo.” Itinaas nito ang gold watch. “At itong baril.”    “Paanong nangyaring yan ang kakailanganin ko upang mahanap yun?”    Ngumiti si Doc., parang may magandang naalala.   “Para itong isang laro, treasure hunting gamit ang dalawang bagay na ito bilang clue. Kailangan mong isipin ng mabuti ang mga paraang gagawin mo para mahanap ang kayamanan. Ito ang madalas naming gawin ng anak ko.”   Weird na laro para sa mag-ama pero nakakatuwa siguro yun.   “May hihilingin sana ako sayo?”   “Ano yun!”   “Tapusin mo ang misyon mo! Hanapin at patayin mo ang pinuno ng KRONUS! Pinagsisisihan ko na nabulag sa tagumpay at karangyaan na maaari nilang idulot sa buhay at pamilya ko kaya ako sumapi sa kanila. Kaya kung anu man ang dahilan mo para patayin ang pinuno nila wala akong pakialam basta gawin mo!”   Tumango lang ako.   “At meron pang-isa, bahala ka nasa mag-ina ko alagaan mo sila.”   Aba’t gagawin pa ako nitong care giver.    “At bakit ko po naman gagawin yun?”   “Mangako ka!” Sinigawan niya ako, naiinis ako, nagtitimpi lang ako ng galit ko. Pero tumango ako bilang pagsang-ayon.   “Ang mga mata mong yan, nakikita ko na may pag-asa pa ang kinabukasan.”   Nagpapatawa talaga itong si Doc. Kinabukasan! Ako nga ang nag-aalis ng kinabukasan eh!   “Umaasa ako sayo...”   Yun ang huling sinabi ni Doc., bago niya kinalabit ang gatilyo ng revolver sa ulo niya. Bumagsak ang duguang bangkay ni Dr. Arce De Fure sa sahig.    Nakaramdam ako ng panghihina sa di ko maipaliwanag na dahilan. Inaamin kong sanay akong makakita ng mga taong namamatay at minsan ako pa nga ang may gawa, pero ito... iba talaga ang nararamdaman ko. Siguro dahil sa pag-uusap at paghahabilin niya sa akin   Nilapitan ko ang bangkay ni Doc., at kinuha ko ang baril pinunasan ko iyon dahil punung-puno ito ng dugo.   Sabi  ni Doc., itong baril at gold watch ang clue sa kinaroroonan ng blue book at mga CD’s.   Kinuha ko na rin yung gold watch.   “Dad! Finally, nakuha ko na yung puzzle mo. Dad!”   Nagulat ako sa pagpasok ng isang lalaki. Kaedad ko lang siya. Siya siguro ang anak ni Doc..   “Anong  ginawa mo kay Dad?! Dad! Pinatay mo siya!!”   Punung-puno ng galit ang mga mata ng anak ni Doc., susugurin na niya ako pero bago pa siya nakalapit ay natumba na siya dahil chinop ni Sab ang leeg niya.   “Cola, halika na baka maiyak ka na dyan, ano bang nangyari? Bakit naputol yung connections mo? Nag-aalala kaya sila.”   “Hindi naman ako naiiyak. Nahihiwagaan nga ako kay Doc., naputol siguro nung nagtakip ako ng mukha.”   “Ganun ba. Nakuha mo ba yung blue book at CD’s?”   “Wala dito nasa ibang lugar.”   “Eh yung nangyari kay Doc., ikaw may gawa?”   “Suicide!”   Tumakbo na kami ni Sab paalis ng lugar na yun.   Nalilito ako at nahihiwagaan sa nangyari, medyo pinanghinayangan ko na namatay si Doc., na siya sanang susi para matunton naming ang pinuno ng KRONUS. Ang masasabi ko lang hindi kami nagtagumpay sa misyon naming ito.   Ang una naming pagkabigo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD