Sabina’s POV Pagkatapos kung kumanta ay biglang nag iba ang palibot ng Fiamma Portal kung kanina ay cozy ang ambiance nito ngayon naging wild at fiery na. Nag-dim ang lights at nagsimulang tumugtog ang trance music. Nagsimulang dumami ang tao sa gitna para sumayaw habang si Yuri ay nandun parin sa harap ko at dahan dahang umiindayog. Lumapit siya sa akin habang sumasayaw. “Anong trip yan Ricaforte?” Pinataas baba niya lang ang makapal niyang kilay at kita ang lalim ng biloy niya dahil nakangising-aso siya habang mukhang tangang sumasayaw sa harapan ko. “Tusukin ko yang dimple mo para magdikit sa kabila…Magsalita ka nga?” “Uyy! Wag ang dimples, asset ko yan.” Alam kong magsisimula na naman kami sa pagtatalo kaya nagsimula na akong maglakad para di na matuloy ito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books