Aeva’s POV
Pag-alis namin sa parking lot dumiresto na kami ni Stephie sa building ng College of Business Adminastration samantalang si Tammie e, may dadaanan pa daw siya. Parehas ang course na kinuha namin ni besty, kaya magkaklase kami sa lahat ng subjects.
Pagpasok palang ng room ang maingay na klase ay biglang tumahimik.
That’s because of us! May dalawang anghel na dumating.
“Besty, where are we going to sit?” Tanong ko kay besty. “You choose?!”
“There!” Medyo hindi maganda ang mood nitong besty ko. Alam na! Loser kasi siya ngayon araw.
Tinuro ni Stephie yung seat sa second row, kaya lang may nakaupo na. Pero dahil mga anghel kami ng kagandahan wala kaming care!
What Stephie and Aeva want! Stephie and Aeva gets!
Lumapit kami sa mga lalaking busy sa pagkukwentuhan at pagtatawanan na nakaupo sa second seat.
“Uhm…excuse us, can we have this seat please.”
Sa aming dalawa ni besty ako ang may pinaka-seductive voice.
Nakatalikod sa amin yung mga lalaking naka-varsity jackets. Mga player siguro ito ng university.
“I’m sorry girls but I don’t care.”
Nagtawanan sila pagkasabi nung lalaki na dahan dahang humarap sa amin. Noong una nakangisi siya pero nung nasilayan na niya ang aming kagandahan bigla itong napalitan ng ngiti na ubod ng tamis.
“Sure! Sorry for for being rude, you can have this seat. Karl, lipat tayo sa likod.” Tinapik niya ang kasama niyang nasa katabing upuan at lumipat sila sa likod. Kahit yung tatlong nasa sunod na upuan ay lumipat din sa pang-apat na row.
“Thanks! Hahaha.” Sabay naming sabi ni besty. Hindi pa kami nakakaupo nang…
“By the way I’m Paul Anthony Carbonel. Captain ng varsity basketball team.”
Ang bilis naman nito. Nakalahad ang kamay niya gusto makipag-shake hands. Ok fine!
“I’m Aeva Castillo.” Nakipag-shake hands ako tapos humarap siya kay Stephie.
“And you are?”
Busy si Stephie sa mga gamit niya na kukonti lang naman kaya hindi niya napansin si Paul. Napaghahalataan na type ni Paul si besty kita kasi sa mga mata niya.
Sino ba namang hindi!
Kahit lagi kaming nagko-compete sa mga bagay bagay at marami kaming hindi pagkakaparehas, masasabi kong mas lutang ang kagandahan ni Stephie sa akin kasi mukha siyang foreigner.
Sabi noon sa Isla, half-american si Stephie, kaya siya ang una mong mapapasin at syempre si Nicola. Kakaiba ang ganda ng dalawang yun. Masyadong pansinin at sa aming anim si besty palang ang unang nagka-bf.
“Huh? Are you talking to me?”
At yan pa ang isa sa mga ugali na opposite kami. Mataray siya sa mga unang kilala samantalang ako friendly.
“Yes.” Nakangiting sagot ni Paul.
“Besty, umayos ka naman. Siya yung nagpaupo sa atin dito. Smile.” Binulungan ko na siya, halata kasi na bad trip pa rin siya kasi natalo ko siya kanina sa race. Naintindihan naman niya siguro ang gusto kong ipahiwatig.
“Sorry. Ano nga pala uli ang sabi mo?”
“What’s your name?”
“I’m Stephanie Larsen.”
“I’m Paul Carbonel. Nice meeting you.”
“Ok thank you!” Tapos umupo na si Stephie. Pero makulit si Paul, halatang interesado ito kay besty kaya hindi niya ito tinigilan. Nagtungo pa ito sa harap niya.
“Can I have your number?”
Stephie’s POV
“Can I have your number?”
Kumunot ang noo ko sa nagsalita. Pagtingla ko yung Paul lang pala.
Kung tutuusin gwapo siya, pero hindi ako agad-agad nakikipag-flirt sa lalaki, they need to earn it. Hahaha! I’m bad!
Tsaka ang kapal ha! Yung pagkasabi ng ‘can I have your number?’ pautos! Eh kung pilipitin ko ang leeg nito. Hindi nalang baka maubos ang gwapo sa mundo.
“Six!” Mataray kong sagot.
“Six?!”
“My number. Six!”
“Oh what I mean is your cellphone number, common sense lang naman yun.”
Aba’t! Sinusubukan ako ng kumag na gwapong nilalang na ito.
“I know what you mean! You are the one who don’t have a common sense! I answer your command the way it should be answered because in the first place I’m not interested!”
Medyo napataas ang boses ko kaya napatingin na sa amin yung ibang mga kasama niya at yung mga classmate namin! Ayan! Ma-nose bleed ka sana.
“I’m sorry I didn’t mean it to sound like a command. But please I’m serious about asking for your number, your cellphone number.”
Shit! Magaling din pala mag-english ang isang ito. Anyways parang may mangyayaring exciting. Hmmm…
“If you really want to get my number you need to work for it!”
“Wo…work for it?! How?”
May sumilay na ngiti sa akin labi, natigilan ako sa sasabihin ko sana sa nagtatakang si Paul kasi kinalabit ako ni besty at binulungan.
“Ayan ka na naman, hinay-hinay nga, mapapasubo na naman kami sa gulo.”
“Huwag kang mag-alala, sa akin lang ito.” Bulong kong pabalik na nagpabungtong hininga sa kanya.
Binalikan ko si Paul.
“Just beat me in any form of contest. You can have my number and you can even date me.” I said it smiling sweetly.