JAD POV Pagdating sa loob ng ballroom hall ay hindi ko na nakita pa ang babae. Inilibot ko ang aking paningin pero hindi ko siya mahagilap. Nagsimula na ang program. Ayon sa kasunduan namin ni Mr. Mitsui ay siya lang ang ipapakilala ng Host para mapanatili ang aming pagkakakilanlan. Panalangin muna. Sunod ay Opening/Thanksgiving Speech ni Mr. Mitsui. Pagkatapos nito ay Dinner. Dahil nasa VIP table kami ay hindi na namin kailangan pang pumunta sa buffet table at may waiter na nagseserve sa amin. Nakita kong may isang seksing babaeng pumunta sa buffet table. Naka Red Frontless Gown ang babae. So far sa mga babaeng nakita kong umattend sa party ay siya ang pinaka standout. Hindi man sobrang laki ng b**bs katulad ng kay Claire at Andrea, okay na din. Tumayo ako para sana makipagkilala k