Lunes Parang lumulutang ako sa alaapaap. Tapos ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ang sunod kong nakita ay dilim. Pakiramdam ko may mabigat na bagay na dumagan sa akin. Alam kong tao ang dumagan sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha. May ginagawa siya sa aking katawan na labag sa loob ko. Kalaunan ay tinraydor din ako ng sarili kong katawan at nagugustuhan na rin ang ginagawa ng nakadagan sa akin. Kasunod ay madilim na karimlan… Tapos ay nakita ko ang mukha ni Alvin. Tinatawag niya ako pero parang unti unti siyang naglalaho sa karimlan. Nang tuluyan na siyang mawala sa karimlan ay tinawag ko ang pangalan niya. Tapos ay until unti na rin akong nawala sa karimlan--- Alvin... Alvin......... Beep. Beep. Beep. Naputol ang aking panaginip. Nagising ako dahil sa tunog ng ala