CHAPTER 01
LOUD MUSIC welcomed the uninterested looks of Eloise as she entered the club with Darren and Sybil. Masasabi niyang pinaghandaan ng dalawang kaibigan ang kanilang lakad. Habang siya, isang simpleng itim na dress lamang ang sinuot. Hindi na rin siya nag-effort pa na ayusin ang kanyang buhok at manipis na make-up lamang ang nilagay sa kanyang mukha kahit pa pinilit siya ni Sybil na dagdagan iyon.
Eloise just made a deal with Sybil. And it's a deal where she's the hailed winner.
Agad siyang humiwalay sa dalawang kaibigan nang salubungin ito ng ibang tao na hindi naman niya kilala. Dinala siya ng sarili niyang mga paa sa bar at agad na inokupa ang bakanteng upuan doon.
"Es-tu seule, mademoiselle?" tanong na siyang pumukaw sa kanya.
In front of her is a man – a charming man with a warm smile, holding up a glass of drink which she didn't what. Hindi naman ito mukhang lasing at lalo rin hindi naman mukhang masamang tao. Malinis siyang tingnan at maayos din naman ang kasuotan. Parang tulad niya, napilitan lang din ito na magpunta sa lugar na kanilang kinaroroonan ngayon.
"I-I'm sorry, I only know a little French," she answered, hailing a bartender to ask for a drink. "Can I have one glass of lemon meringue martini?"
"Give the lady what she want and put it on my tab." Napatingin siya sa lalaking kumausap sa kanya na ngayon ay inoukupa na ang silya sa kanyang tabi. "Welcome drink from me."
"That's so nice of you. Thanks." Luminga siya sa kanyang paligid at doon nakita niyang nasa dance floor na ang kanyang mga kasama. Doon din ay naalala niya ang bungad na salita ng lalaking katabi niya ngayon. "What is it that you said earlier? I don't want to be rude. I just know a little French."
"American?"
"I'm half-American. My father is from. . . I don't know." Tumawa ang lalaking kausap niya. And his laugh is too manly as if Eloise's hearing the telenovela's hunk main character live. "Do I look like French?"
"Nope," si Eloise naman ang tumawa. "I'm just pulling off some advice from my friend to catch a woman's attention, but it's lame."
"So, you're not French?" Umiling ito dahilan upang sandali siyang pumikit. The guy got her, but he still looks nice. "It's lame, honestly."
"I know, and I won't do it again."
"You better not,"
"I'm Ethan."
"Eloise."
"That's a nice name." The bartender returned and served the drink she had ordered, and Ethan handed the man his card. "Are you a traveler?"
"No. I live here." Nagulat siya sa kanyang nasabi at napangiti. "That's the first time I say that out loud." Dito na nga siya sa Paris nakatira at wala na makakapagpabago pa noon. "I'm sorry. It's just that I am questioning my decision after I broke up with my fiancé."
"Brokenhearted, hmm?"
"For a weeks now," nakita niyang luminga si Ethan sa kanilang paligid. Maingay sa kanilang paligid at kanina pa sila nagsisigawan na dalawa. Pero wala naman na silang magagawa pa sa bagay na iyon. They're on the club and no one can ever stop the loud music around them. "Do you want to go out?" sigaw niya.
Binalingan siya nito agad saka ngumiti gaya sa ngiting unang pinakita nito sa kanya. "Sure, let's go,"
"SO, why Paris, Eloise? You can be in London or US, your birth place," Ethan asked as they walked out of the club. Ethan helped her to wear her coat and even make sure that she's feeling warm. Napatunayan niyang hindi douche si Ethan pero alam din ni Eloise na masyado pang maaga para sabihin din ang bagay na iyon.
"I don't want to be near my birth place. It carries a lot of memories." Bad memories, to be exact, she added on her mind. "Paris is a beautiful place. Full of love, hope and. . . sex." Eloise has no intention of blurting it all out. Para kasing may kung anong gayuma sa mga mata ni Ethan at nagagawa niyang sabihin ang nasa kanyang isipan na walang takot sa maaari nitong maging reaksyon. "You know what; I have a big family back in the Philippines. I am happy there and loved by many."
"So, why did you live in a small town like Paris if you're happy there? And I'm also from there too,"
"Seryoso?" Tumawa lang ng malakas si Ethan bilang tugon sa tanong niya. "Hayup ka, pinahirapan mo pa ako mag-English eh Pinoy ka naman pala."
"Para may challenge at kung hindi mo binanggit ang Pilipinas, ibang lahi na ang nasa isip ko."
"Sige nga anong lahi iyang nasa isip mo?" Umaktong nag-isip si Ethan pero alam naman ni Eloise nap eke lang iyon dahil kita naman sa itsura niya na may dugo siyang pinay. "I got my mom's skin color and the hair color, blonde talaga ito pero kinukalayan ko ng gray at black. Parang Cruella lang."
"You're interesting, do you know that?"
"Iw! Lumang pick-up line na 'yan ah. Tinuro rin ba iyan sayo ng mga unknown mentors mo?"
"Seryoso ako." Nagpatuloy lang si Eloise sa paglalakad at piniling huwag patulan ang sinabi ni Ethan sa kanya. "Who broke your heart?"
"Huwag na lang natin siya pag-usapan. He's not worth it."
"That week old break up hurts you so bad." In all fairness, hindi halata na pinoy siya. I love the accent, aniya sa isipan imbis na pagtuunan ang sagot nito sa kanya. "You know, strangers are good listeners."
"Good gossiper kamo,"
"Try me, then."
"Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko para maghanap ng panakip butas." Lumingon siya sa nilakaran nila saka muling binalingan si Ethan. "Hindi ko rin alam bakit ako sumama sa 'yo. I shouldn't be hanging out with you. All men are shit."
"Whoa, sandali lang. Huwag mo namang lahatin. I'm one of the few good guys, Eloise."
"Self-proclaimed?" Huminto sila sa isang bridge at doon ay kapwa sila tumayo patalikod sa ilog. Malakas na umihip ang hanging malamig na dumampi sa kanyang mukha. Hindi magandang ideya na maglakad sa ganitong temperature.
"Okay. On behalf men, I'm sorry. Kung ano 'man ang ginawa niya sa 'yo, ako na humihingi ng tawad."
"Apology accepted and I still like men in some ways." Tumingin siya kay Ethan saka ngumiti. Gano'n din ang ginawa nito at para bang hindi na mawawaglit ang tingin nila sa isa't-isa. Iyong huling sinabi ni Eloise ay isang pahiwatig na alam niyang hindi niya dapat ginawa. But it's now or never. The martinis she had already kicking in. "Hahalikan mo ba ako o –"
Hindi na siya pinatapos pa ni Ethan na magsalita. Basta nitong tinawid ang kakarampot na espasyo sa pagitan nila at hinalikan siya sa kanyang labi. Ibang klaseng halik iyon na dahilan kaya siya nadadarang at tila may buhay ang kanyang mga kamay na awtomatikong pumapalupot sa batok ni Ethan. Indikasyon na ayaw niyang matapos ang halik na kanilang pinagsasaluhan ng mga oras na iyon.
But Ethan stopped kissing her, making her grasp a loud and heaved deep breath.
Sandali silang nagtinginan na dalawa bago siya nito hinila papunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Ethan. There's no more turning back now, indeed.