SHAMIER'S POV Matapos ang nangyare kanina. Napaisip lang ako, kasi bukod sa sya ang tumulong sa 'kin, bakit parang iba ang ugaling pinapakita nya sa lahat? Popular? In that way popular sya? Anak ng pusa para nga syang bulkan na sasabog, e. Masakit ba sa kanya na tanghapin ang sorry ng isang tao? Ikamamatay ba ng lamang lupa na 'yon? Hindi naman 'di ba? Bakit mag-kakasakit ba sya? Tsss. Hindi cancer ang sorry b'wisit! “Shamier! Ang laki ng gulong pinasok mo!” sabi ni Kyla. Bakit? Gano'n ba sya ka sikat at katapang? E, bakit hindi sya nakapalag sa 'kin? Tsk. DUWAG! O baka naman magsusumbong sya sa mga kasamahan nya para bugbugin ako? O, ge sapakan nalang kaya kami! Umayos ako at nagpusturang mananapak. Bakit kaya ang init ng ulo ko do'n. “And so?” mataray kong sagot.