Prologue
Humugot ako ng malalim na hinga habang nakatayo sa harap ng napakaraming salamin, dito sa loob ng aking walk-in closet, na siguro ay umaabot ng isandaang metrong parisukat ang laki.
Today's the first day of my life as the new lady boss of Hector's Real Estate Company.
Napatulala ako sa aking repleksyon. Sinong mag-aakala na ang isang estudyante kahapon ay isa ng may-ari ng kumpanya ngayon, matatag at isa sa pinakasikat sa larangan ng real estate business sa buong bansa? Just yesterday, I was wearing my College uniform but today I am wearing an expensive corporate suit. Kung nakikita lang ako ni inay ngayon, alam kong magiging masaya siya. Bente uno pa lang ako pero bilyonarya na. Hindi naman ako masasabing walang ambag sa kumpanya dahil noon pa man ay hinahasa na ako ni Hector sa pagiging isang negosyante. May mga pagkakataon na ako ang hinihingian niya ng opinyon tungkol sa mga desisyon na gagawin. At first, I was so hesitant to give him my opinion, afraid of failing but luckily, my opinions were great. Natuwa si Hector sa akin dahil matalino raw ako at nasa puso ko ang kagustuhan na matuto. Siguro nga ay totoo iyon dahil ayaw kong maghirap.
Ayoko ng maranasan ang maging mahirap.
Siguro nga matalino ako dahil nakuha ko ang lahat ng meron si Hector, pero iisa naman ang natitiyak ko, hindi ko ito sapilitang kinuha. Lahat ay napasaakin nang kusa at buong puso.
"Lady P," mula sa may pinto ng walk-in closet ay tinawag ako ng aking personal assistant, si Medz.
Isa itong bakla at sa bahay lang naman siya naglalagi. Siya ang taga-ayos sa akin at tagapili ng aking mga damit. Sa pagkakatanda ko ay kinuha siya ni Hector, desi-otso pa lamang ako.
Ang hindi ko lang pinapayagan sa kanya ay ang pagsasalita niya ng lenggwahe ng mga bakla, kasi hindi ako makaintindi. Sabi ko ay pagod na ang utak ko sa pag-aaral ng Accountancy, dadagdagan pa niya ng ibang salita. Baka maging lugaw na ang brain cells ko pag nagkataon. Tapos may balak pa akong mag-aral ng law. Kulang na lang siguro ay magsipag-kalasan ang lahat ng parte ng utak ko para tumigil ako. Lahat ng yun pangarap ni Hector para sa akin. Tinutupad ko lahat para sa kanya at para rin sa aking sarili.
That way, kaya kong maipagtanggol ang sarili ko kahit kanino.
"Handa na ang serbisyo publiko mo, nagwe-wait na ang driver," mataray na sabi ni Madz sa akin. Medz ang palayaw nito pero ang totoong pangalan ay Medrano Policarpio the third.
Kumukuha raw ito dati ng Criminology course pero hindi na kinaya ang pagtatago sa sarili kaya napilitang lumadlad. Natanggap naman daw ng mga magulang nito ang pagiging isang bakla pero matagal. Nag-aral na lamang ito ng vocational.
Kinuha ito ni Hector nang mag-judge ako sa isang beauty contest, sa isang baranggay. Nakilala namin si Medz at nagustuhan ko ang pagmi-make up nito sa isa sa mga contestants, light. Hindi nagmukhang ibuburol na mummy ang contestant.
Ngumiti ako rito at saka naglakad papunta sa may pintuan.
"Gandara," anito sa akin saka ako inalalayan.
"Kinakabahan ako," amin ko rito, sabay yakap sa braso nito pero inirapan niya ako, irap na nakasanayan ko na.
"Now ba pa ikaw kakabahan? Mi gosh, sa lahat ng pinagdaanan mo, wala ng space ang kaba sa heart mo."
Humugot ako ng malalim na hinga. Palagay ko'y wala na nga akong dapat pang ikakaba. Marami ng nang-away sa akin pero lahat naman walang nagawa.
"Chin up and maintain your posture," paalala sa akin ni Medz kaya tumango ako at itinaas ang aking mukha.
"Perfect!" Bulalas pa nito kaya napangiti ako.
I AM looking at the building I once called a castle, owned by Hector Lauren. He’s my husband but he is already gone. Ang imperyong tinitingnan ko ngayon ay akin na at ako na ang nagmamay-ari. Pag-mamay-ari ko iyon nang walang kahirap-hirap. Nag-alaga lang ako ng matandang mayaman, bilyonarya na ako.
Rumors spread that I was a killer, a gold digger and filthy. Maraming sinasabi ang tao sa pagpapakasal ko sa lalaking para ko na raw ama, at lalong dumami ang mga tsismis nang mamatay ang asawa ko, dalawang taon matapos naming magpakasal. Samo't sari ang mga komento ng tao, maging sa paaralan na pinasukan ko pero wala akong pakialam.
I am a damn billionairess and that's all that matters! Money is everything. Money does change everything. Maraming nagsasabi na ako ay perfect example ng rags to riches, sa pag-aasawa nga lang daw ng lalaking malapit ng mamatay. Pati nga pagkamatay ni Hector ay may issue pa. Kesyo nilason ko raw nang tuluyan ang mister ko para mapasaakin ang kayamanan. Everybody hates me, even Hector’s relatives but the papers speak for myself. Wala akong ibang isasampal sa mukha ng lahat kung hindi ang mga papales na hindi ko naman pineke, at mas lalong hindi ko sapilitang kinuha para mapunta sa akin.
I am the new Queen of the empire, the new face of it. Real estate ang negosyo ng asawa ko, at dahil hinasa na ako nun sa loob ng maraming taon ay handa na rin siguro talaga akong pumalit bilang tagapag-mana, bilang kaisa-isa at lehitimong asawa. Hector was only 60 when he died, due to brain cancer. Matagal ng may taning ang asawa ko, bago pa kami magkakilala pero hindi iyon kakikitaan ng kahit anong bakas ng sakit o paghihirap. He’s so brave and handsome, too. Sugar daddy ang tawag doon ng marami pero kasama iyon sa mga salitang pinalagpas ko at binalewala. Hindi ko nga alam kung saang parte na ako ng langit humugot ng kapal ng mukha, hanggang sa namalayan ko na lang na balewala na sa akin ang lahat ng nababasa o naririnig. Nasanay na ako sa mundo ni Hector. Minsan harapan pa nga pero hindi ako natitinag.
I am Mrs. Hector Lauren and they can do nothing about it. Kahit mapudpod ang dila ng mga tsismosa ay wala ng magbabago pa.
My bodyguard opened the door of the limousine and I slid my leg to hop out. Pula ang suot kong three-piece suit, and I'm so seductive and alluring. May slit ang palda ko sa kaliwang hita at halos umabot na iyon sa may singit ko. Kahit na ang mga pananamit ng ganito ay kinasanayan ko na rin. Kasunod ko ang personal assistant na bumaba, si Katarina. Ito naman ang assistant ni Hector sa opisina, na ngayon ay akin na. Bitbit nito ang aking mamahaling bag, na mas mahal pa sa buhay nito, sabi nga. I inhaled and chinned up. Iyon ang unang araw na papasok ako bilang Presidente ng kumpanya, unang beses din na makikita ang ganda ko bilang bagong may-ari ng Lauren Realties.
Nakahilera ang mga empleyado sa lobby ng building, nag-aabang sa akin.
"WELCOME, Lady P!" Bati ng mga iyon sabay palakpakan pero hindi siya ngumiti man lang.
Malay ba niya kung sino ang peke sa mga iyon? Sa may pader ay may nakalambitin na mga lobo at party decors, nakalagay dun ay Welcome, Miss Paige Lauren!
I never eyed any of them but just took her step to go to the elevator. Wala akong panahon na matahan ang mga taong nag-aabang sa akin.
“Ang ganda pala kaya ginamit ang mukha para makakuha ng DOM," anang tinig na yun kaya parang de susi ang aking mga paa na napatigil sa paghakbang.
Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga ako nagkamali sa iniisip ko. Plastik ang mga tao sa paligid ko.
“Patay,” sabi ni Katrina sa may likod ko nang awtomatikong tumigil ako pero hindi nag-abalang luminga-linga.
I removed my sunglasses and that’s the time I surveyed the crowd.
Naningkit ang mga mata ko tapos ay tumikwas ang isang sulok ng aking labi para sa isang mas mapang-uyam na ngiti.
“May you rest in peace. Stay out of my company if you can’t stand my presence. Kung inggit ka, gumaya ka!” sarkastiko kong sabi saka ako ulit dumiretso ng lakad, matigas ang mga panga.
Nagsipagyukuan na lang ang mga empleyado nang lingunin ko para pukulin ng matalim na tingin.
I mentally shook my head and just headed straight. Mas marami pa akong narinig na masakit at hindi na ako apektado kahit na galing pa iyon sa isa sa mga empleyado ko. Huwag ko lang mahuli ang nagsasalita at may kalalagyan sa akin sigurado.
Ako na ang bagong boss ng kumpanya at walang sinuman ang dapat na bumangga sa akin.
"Learn how to deal with pride to some stupid people who will say bad things about you. You know yourself better than they do," That was what my husband said before he died.
Pagkatapos na mamatay ni Hector sa ibang bansa ay ipinagpa-cremate ko na lamang iyon, at nang umuwi ako sa Pilipinas ay inilagay ko sa musuleyo de Lauren ang urn.
Masakit pa rin para sa akin ang pagkawala ng aking asawa. Mahal ko si Hector, sobra. Si Hector ang bumuhay sa akin at ginawa akong tao. Kung ano man ako ngayon ay dahil iyon sa lalaking hindi nangiming mahalin ako at tanggapin sa kabila ng lahat ng tungkol sa akin.
Walang lalaking may kayang gumawa ng ganun, kaya naman lahat ng pagmamahal ay ibinuhos ko sa matanda. Tinawag akong peke ng mga kamag-anak nun kapag umiiyak ako pero ako ang mas nakakaalam sa damdamin ko kaysa sa kanila.
Siguro nga, social climber ako pero bayad ng serbisyo ang lahat ng tinatamasa ko ngayon.