PANGALAWA - RESETA

1262 Words
Ysabelle's POV Kasalukuyan akong nasa clinic. Pilit iniisip kung paano ako napunta kanina dito. Ang pagkakaalaam ko kasi ay pupunta ako dapat ng cr. 'Di kaya' *gasp* Hala nakakahiya, nahimatay ako sa department. Ang bigat ko pa naman. Biglang niluwa ng pinto ang kaibigan kong si Marie. 'Takte, bakit umiiyak iyon?' takang tanong ko sa aking sarili. "Baklaaaaaaaa, huhuhuhu" lumapit itong umiiyak sa akin. "Bakit ka umiiyak bakla? Anyare sa iyo?“ takang tanong ko. " Gaga, ako nga dapat magtanong sa iyo ng ganyan eh. Anyare ba sa iyo? " hampas nito sa braso ko. " Ahh, ehh, di ko nga din alam eh kung paano ako napunta dito. " " Lah siya, Sabi ni Carla nahimatay ka daw matapos mong maamoy yung hipon. Diba paborito mo iyon? " sabi nito. " Oo nga paborito ko kaso ang baho kasi ng hipon niya eh. Kaya naduwal ako." paliwanag ko. "Hindi naman mabaho ang dala niyang buttered shrimp. Nakitikim pa nga ako kaso nagmumog muna ako baka mawalan ka ng malay kapag tinignan kita dito." ngiti nito. "Buti naman" ngiti ko din dito. "Teka, mabalik tayo. Ano bang nangyari sa iyo ha?" balik na pag-aalala nito. "Bakla, di ko nga alam eh." inis ko na sabi sa kanya. "Lah, Alam mo, simula ng outing natin may nabago sa iyo. Nakatikim ka no?" tila pang-aasar na sabi nito. "Huy, ano yang sinasabi mo. Para kang timang. Ano naman titikman ko sa outing natin ha. Eh ang natikman ko lang naman nun ay yung alak." pagbabago ko ng usapan namin. "Akala ko nakatikim ka ng ano, yung ganto" sabay demo nito na parang may hinahalikan. "Huy, Yuck ka. Ewww, eww." arte kong sabi. Pero ang totoo, hindi lang halik natikman ko ng gabi na iyon kundi ang pagwasak sa iniingatan ko. Kainis ka kasi Ysabelle. Hindi marunong maglock ng room. Tapos mababa pa kasi ang tolerance ko pagdating sa alak kaya hindi ko na namalayan ang nangyari ng gabing iyon. Buti nalang ay nakabalik pa ako sa kwarto ko. Kaso wala na ang yaman ko. Nagising nalang akong may demonyo na sa tabi ko lalo na at hindi ko naman kilala. Pasalamat nalang ako at hindi ako nakita nila Marie nung araw na iyon dahil mga puyat din dahil sa kalasingan. "Arte mo Bakla ah, Naku, kapag natikman mo iyon. Hahanap-hanapin mo na. Hahahha" halakhak na tawa nito. "Ewan ko sa iyo." Nakitawa na lang ako dito. "Maiba tayo, ano daw ba result kung bakit nahilo ka?" tanong ni Marie. "Siguro hintayin nalang natin yung nurse." "Sabagay, wala daw kasi si Doc eh. Kaya hintayin nalang natin si Nurse Bianca tas balik na tayo sa office. Baka pagalitan na tayo ni TL. Hindi pa naman ako nag-paalam. Hahahah." muling halakhak nito. "Luh, sira-ulo ka, hahahha baka pagalitan ka nun." hampas ko dito. "Sus, takot ko sa kanya hahaha." tawa nito. Napailing nalang ako hanggang sa nagkwentuhan na kami patungkol sa trabaho. Puro kalokohan itong si Marie kaya nagustuhan kong maging kaibigan ito sa trabaho. Maya-maya pa ay dumating na si Nurse Bianca. "Hi, Ms. Sanchez, kamusta ka na?" tanong ni Nurse Bianca. "Okay na po ako, hindi narin masakit ang ulo ko, pano kasi ito," turo ko kay Marie. "Puro po kasi kalokohan. Hahaha" "Sira, dinamay mo pa ako. Haha. Nanahimk ako dito eh. Hahaha " gatong nito sa sinabi ko. "Puro talaga kayo kalokohan. Oh siya, Ms. Sanchez, mas maganda kasing magpacheck-up ka sa Doctor para sigurado ako sa hinala ko. Baka tsismosa kasi itong si Ms. Ibarra at magkwento pa dito." taas-babang tingin nito kay Marie. "Bibig mo Nurse Bianca, Pasmado. Gusto mo tahiin natin yan?" pagtataray naman nito. "Joke lang Ms. Ibarra . Pero seryoso Ms. Sanchez, may symptoms ka kasi ng pagb- Alam mo Ms. Ibarra, pakilayo nga ng mukha mo. Mukhang mas excited ka pa sa nahimatay eh." Layo nito sa mukha ni Marie. Hindi ko din kasi napansin na nakalapit na ito kay Nurse Bianca. Natawa naman ako kasi alam niyong yung isa't kalahating metro ang layo namin pero si Marie tila mas excited pa sa akin na nakatapat ito kay Nurse Bianca. " Alam mo Nurse Bianca, Pasmado ka talaga eh. Ang bagal mo kasi mag-explain." nakapamewang nito. "Bakla, kalma ka lang. Haha" awat ko dito. "Hay, Naku, Ms. Sanchez, Ito na lang yung reseta na itinawag ko pa kay Doc. Alvin. Then kung gusto mo makasigurado punta ka nalang ng hospital. Wala talaga akong tiwala dito kay Ms. Ibarra." ngiti nito at tuwang-tuwa pa na inaasar si Marie. "Ang sakit mo talaga magsalita Nurse Bianca. Huhuhu. Nahurts ako Grabe. Huhuhu" Arte nito na napapahawak pa sa dibdib. "Sige po. Maraming Salamat Nurse Bianca." kuha ko sa reseta sabay hila ko naman kay Marie. Pinag-ingat lang ako ni Nurse Bianca at bumalik naman kami ni Marie sa Office. . . . . . . . ************************** “You're late. Where have you been?" bungad sa amin ng TL namin. Patay na. " We just came from the Clinic, Clara didn't tell you? " tanong ko dito. Bigla naman tumayo si Clara. " Oh, Sorry TL, I forgot." kamot nito sa ulo. " Hmm, Okay, bumalik na kayo sa upuan niyo maliban sa iyo Ms. Sanchez. Mag-uusap tayo sa Conference Room." tingin nito sa akin. " Okay po TL. Kuha lang po ako ng ballpen." aalis na sana ako sa harapan niya ng biglang. " You don't need ballpen to write something, Let's talk about the paper you holding now. " seryosong tingin nito sa akin. Nakayuko lang akong sumunod dito at tila nahihiya dahil pinagtitinginan kami. Para akong bibitayin nito. May kasalanan ba akong nagawa. Hayss. Ano ba kasi ang papel na ito. Eh, Reseta lang naman ito. Ano kaya iyon? Di naman tungkol sa trabaho ko ito. Pumasok kaming tahimik ni TL. Si Madam Chinny. Pinaupo niya ako sa gilid at siya naman ay sa upuan kung saan umuupo ang ibang matataas na tao sa company. "Can I see that?" taas kilay nitong sabi. "Ha? Ang alin po? Ayoko nga po." sabay takip ko sa dibdib ko. "Tse, yung papel na hawak mo. Kung ano-ano iniisip mo." sabay pukpok nito sa mesa kaya nagulat ako. Bakit naman kasi nakakatakot itong TL ko. Hayss. "Ano po bang titignan niyo dito?" tingin ko sa hawak kong reseta na kasalukuyang nakatupi. "Basta, TL mo ko. Tsaka to make sure kung tama ang hinala ko sa iyo." mahinahon na sabi nito. Inabot ko naman ang reseta na hawak ko. Masinsinan niyang tinitigan ng matagal ang papel at kinuha ang phone niya at may kung anong anek anek siyag sinearch tas punta siya sa gallery niya ng biglang nagsalita ito. " Ysabelle. May.......... ka ba?" sabi nito sa kawalan. Natulala naman ako. Ano daw? . , , , , , , , , , , , "Ysabelle, may boyfriend ka ba?" tanong nito. "Ha? A-ano po?" seryoso kong tingin dito. "Sabi ko, May Boyfriend ka ba? “ muling tanong ulit nito. " Ahm, Wala po. " proud kong sabi. " Kung wala, eh bakit may ganto kang mga reseta? " taas niya sa reseta. " Para san po ba yan? " taka kong tanong. " Ysabelle, binibigay lang ito sa mga buntis. BUNTIS KA kaya ka may ganto." seryosong sabi nito. , , , , , , , , , "Ako, Buntis?" 'Buntis ka, buntis ka' paulit-ulit na nag-echo sa isip ko. Hanggang sa tumulo ang luha ko ng di ko na namamalayan. And now, Alam ko na rin kung para saan ang reseta na binigay sa akin ni Nurse Bianca.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD