Chapter 33 HELLE "Miss Helle, flowers po." Otomatiko ang pagkunot ng noo ko nang bumungad sa akin si Amy na may dalang pink roses na mukhang hundred pieces pa ito. "Ilapag mo na lang diyan," saad ko nang hindi tinatanggal ang mga mata ko sa file na binabasa ko. Alam ko namang nanggaling ang bulaklak kay Heize. Ilang araw na nga siyang nagpapadala ng bulaklak, at kulang na lang mapuno ng bulaklak ang opisina ko dahil sa pinaggagagawa niya. Hindi ko alam kung anong nakain niya, at bigla na lang siyang naging ganito. Pati nga si Tito nagtataka sa kanya, kasi hindi naman si Heize ang tipo ng tao na gagawa ng ganito. "Miss Helle, may letter po ulit." Binuksan ko ang sulat. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko ito. "Hindi ako magsasawa na sabihin sa'yo kung gaano ka kahalaga sa