Kabanata 4
KINUHA ni Tyler ang bote ng alak na inilapag ng bartender sa kanyang harap at agad na tinungga ito. Magmula ng umalis siya kanina sa mansyon ay walang direksyon na dire-diretso lang siya na nagmaneho. Kung mananatili pa kasi siya roon ay baka makapagbitiw lamang siya ng masasamang salita laban sa kanyang asawa na iniiwasan niya na mangyari hangga’t maaari.
Ngunit sa bandang huli ay napagpasyahan niyang tumungo sa bar na madalas niyang pinupuntahan sa tuwing gusto niyang mapag-isa. Habang umiinom ay hindi niya maalis ang tingin sa kanyang cellphone na hawak naman ng kanyang kabilang kamay.
Mapait siyang napangiti habang iniisa-isa ang larawan nila ni Sabrina sa kanyang gallery. Partikular na ang mga larawan nila noong bagong kasal pa lamang sila.
The two of them look so happy. Pero hindi niya akalain na magiging pansamantala lang pala ang kaligayahan na ‘yon.
“Hey, do you want to have some fun?”
Hindi niya alintana ang babae na bigla na lang lumapit sa kanya at hinimas-himas ang kanyang braso. Tila walang narinig na diretso lang niya ulit na tinungga ang isa pa na bote ng alak.
Masakit para sa kanya ang natuklasan kanina. Pakiramdam niya ay naiwan siya sa ere dahil siya lang pala ang naghahangad na magkaroon na sila ng anak na akala niya ay pareho nilang gusto.
Alam naman niyang mahal siya ng kanyang asawa. Kaya lang ay hindi ito sapat upang mabigyan siya ng isang buong pamilya. Dahil kahit kasal na silang dalawa ay mas matimbang pa rin para rito ang karera.
“Oh. So, you’re married, huh. But you have nothing to worry about. Hindi naman ako demanding, eh. I can help you ease whatever you’re feeling right now in a pleasurable way, and your wife will never know,” the woman said seductively.
Akmang dadausdos pa ang kamay ng babae pababa sa kanyang hita nang may bigla na lamang humila rito palayo sa kanya.
“Get your filthy hands out of him! You slut!”
Natigilan si Tyler nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Gulat na nilingon niya ito.
“Sino ka? Ang damot mo naman masyado. Willing to share naman ako,” maarteng wika ng babae na unang lumapit sa kanya.
Tanya crossed her arms. “Puwes, hindi ko shine-share ang asawa ko. Alis!”
Natawa naman ang babaeng kausap nito. “Dream on, b***h. Nakita ko ang picture ng asawa niya at hindi hamak na mas maganda naman siya kumpara sa ‘yo. Ilusyonada.” She flips her hair. “Makahanap na nga lang ng iba.”
Nakasimangot na nagmartsa ito paalis. Sa pagkakataong ‘yon ay nilingon siya ni Tanya.
“What are you doing here? And the last time I checked, my wife is Sabrina Alonzo-Fortalejo,” walang buhay na sambit ni Tyler bago nagpatuloy sa pag-inom. Ngunit bago pa niya ito tuluyang malagok ay mabilis na naagaw na ito ni Tanya sa kanya.
“Lasing ka na. Kaunting inom mo pa at baka masilayan mo na ang impiyerno. Ano ba’ng problema? Bakit nagpapakalango ka sa alak ngayon?” Natigilan ito nang matuon ang mga mata nito sa cellphone niya.
Bigla niyang naalala ang naging usapan nila ni Tanya kanina. Dahil dito ay hindi niya nagawang umimik. Lalo pa at tama ito sa hinala nito tungkol kay Sabrina.
“Nag-away ba kayong mag-asawa?” mahina nitong tanong.
Hindi niya alam kung dala lang ba ng kalasingan. Pero tila ba biglang nagningning ang mga mata nito.
Napaiwas siya ng tingin at itinago na sa loob ng kanyang bulsa ang hawak na cellphone. “That’s none of your business.” Bumaba ang tingin niya sa suot na relo. Kahit nakakaramdam na ng pagkahilo ay nagawa pa rin niya itong aninagin.
Pasado ala-una na pala ng madaling araw. Kahit may nararamdaman siyang galit sa kanyang asawa ay hindi naman niya gusto na maiwan ito sa mansyon.
Tumayo na siya at nag-iwan ng ilang libo sa ibabaw ng counter. Ngunit muntikan na siyang matumba. Mabuti na lang at mabilis siyang naalalayan ni Tanya.
“You look like a messed. Ano na lang ang mangyayari sa ‘yo kung hindi kita nakita rito?”
Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito. Pero muntikan lang siya ulit matumba.
“Lumayo ka nga sa ‘kin. Kaya ko ang sarili ko,” wika niya sa paos na boses.
Napairap naman si Tanya sa kanya. “Whatever. Lokohin mo ang sarili mo. Pero wag ako. Iuuwi na kita sa inyo.”
Wala na siyang nagawa pa nang akayin siya nito palabas sa bar.
“Akin na ang susi mo. Ako na ang magmamaneho.” Inilahad ni Tanya ang kabilang kamay nito sa kanya habang nakaalalay pa rin ang isa pa.
Gustuhin man niya na tumanggi ay alam naman niya sa sarili na hindi na niya magagawa pa na magmaneho sa estado niya ngayon. Kaya naman ay walang imik na binigay niya rito ang susi.
Ngunit natigilan siya nang matuon ang kanyang atensyon sa tabi ng daan. Doon ay napansin niya na naglalakad ang isang babae habang kasama ang sa tingin niya ay asawa nito na bitbit naman ang kanilang munting supling.
Mas lalong lumamlam ang kanyang mga mata. How he wishes he can also hold his own child with his wife smiling on his side.
Nang mabuksan na ni Tanya ang passenger seat ay maingat siya nitong ipinasok sa loob. Ngunit napakunot noo na lang si Tyler nang mapansin na hindi pa rin ito lumalayo sa kanya at mariin lang na nakatitig. Natauhan lang siya nang unti-unti nitong ilapit ang mukha sa kanya dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
Narinig niya pa ang malakas nitong pagbuga ng hangin bago tuluyang isinara ang pinto. Ilang saglit pa ay binabaybay na nila ang daan pauwi. Pakiramdam niya ay mas lalo lang siyang nahilo nang dahil sa biyahe.
“Base sa naging reaksyon mo sa isang pamilya na dumaan kanina, mukhang tama ang hinala ko na ayaw pa magkaanak ng asawa mo. Ayon ba ang dahilan kaya ka nagpakalasing ngayon?”
Hindi siya umimik. Ayaw niya kasing kumpirmahin ang hinala nito. He can be angry on her in private. But he will defend and never let her down in public.
“Ikaw naman kasi. Kung ako na lang sana ang pinakasalan mo ay handa ako na bigyan ka ng anak kahit isang dosena pa,” pang-aasar pa nito.
“Just shut it, Tanya. It’s not what you think it is. May mga commitment lang siya sa ngayon. Pero balang araw ay magkakaroon din kami ng isang buong pamilya,” depensa niya kay Sabrina.
“But the question is, when? She can’t give you a family that you have been wanting for so long, Tyler. Alam mo naman kasing model ang asawa mo at nasa peak pa siya ng career niya. That’s why you can’t really expect her to give you a family that you wanted. Ang mga tao na masyadong committed sa career nila ay hindi titigil hangga’t hindi pa nila nararamdaman ang satisfaction sa ginagawa nila.”
Napahilot si Tyler sa kanyang sentido at hinilig na lang ang ulo sa bintana. “Just shut up and drive. Kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita ay baka mapababa pa kita.”
Napasimangot naman si Tanya. “As if you can go home on that state. Hindi ka sa mansyon didiretso kapag nagkataon. Kung hindi kay San Pedro.”
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa tapat ng mansyon. Agad namang bumukas ang gate nito. Sa pagkakataong ‘yon ay bumaba na si Tanya at siya na ang pumalit dito sa driver’s seat. Ibinaba naman niya ang bintana at sumilip dito.
“Thank you for driving me home.” Doon lang niya napansin ang isang kotse na kasunod ng kanya. Sasakyan ito ni Tanya na pinasunod na lamang ng babae sa driver nito.
“No worries. Basta kung kailangan mo ng kasama at kausap ay puwedeng-puwede mo akong tawagan kahit anong oras at araw.” Kinindatan pa siya nito.
Napailing naman si Tyler. “I can really manage. Isa pa ay ayoko ng madagdagan pa ang rason na maaari naming pagtalunan ni Sab.”
Hindi na ito umimik pa. Kaya naman ay nagpaalam na siya rito bago tuluyang pinaandar papasok ang kanyang kotse. Sana lang ay nagawa niyang iparating kay Tanya na kung anuman ang binabalak nito ay wala ng patutunguhan pa.
Nang dahil sa naging usapan nila ay tila medyo nawala ang kanyang pagkalasing. Pero kahit ganoon ay pasuray-suray pa rin siyang naglakad papasok sa loob ng mansyon.
Ngunit natigilan siya nang makita ang asawa na nakahiga at nakatulog na sa mahabang sofa. Para ba’ng may mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso nang dahil sa nadatnan.
Sa mabagal na paghakbang ay pinanatili lang niya ang atensyon sa maamong mukha ni Sabrina. Ngunit nang tuluyan na niya itong malapitan ay roon lang niya napansin na sa kabila ng tila mahimbing nitong pagkakatulog ay bakas pa rin sa mukha nito ang kalungkutan at pagdaramdam.
Malalim siyang napabuntonghininga bago inabot ang kumot sa isang tabi at maingat na inilagay ito sa katawan ni Sabrina. Dahan-dahan naman siyang napaluhod sa harap nito bago masuyong hinaplos ang buhok nito.
“H-hubby... I’m sorry.”
Nahigit niya ang hininga nang bigla itong nagsalita kasabay ng pagtulo ng luha sa mata nito.
Kinagat niya ang ibabang labi at tumayo na. No matter how much he wanted to cage her in his arms, he just can’t right now.
Mabigat ang dibdib na naglakad na siya palayo mula rito. Masakit man para sa kanya ay kailangan niya muna itong tiisin.
The fact that his wife is not yet ready to have a child on him doesn’t hurt that much. But being fooled by her and making him believe that she is ready does. And the pain that it caused him won’t go away that easily.