Chie POV
Habang nakaupo ako sa mahabang sofa nang makabalik sa bahay namin naalala ko ang dating kaibigan. Kinuha ko mula sa bulsa ang cellphone ko para tawagan ito.
Ito pa rin kaya ang cellphone niya? Kasi parehas halos sila ng cellphone number ni Kecha ang magkaiba lang ang dulong number.
Calling...
Jong: Hello, sino 'to?
Chie: Brad.
Jong: Sino 'to?
Chie: Si Kenchie 'to, kamusta?
Jong: Oh! Ikaw pala, okay lang naman ako.
Chie: Hingin ko 'yong opinyon mo.
Jong: Para saan naman?
Chie: Sa amin ni Jia.
Jong: Kayo pa rin?
Chie: No, kahapon lang.
Jong: Hindi, kahapon lang? Ang gulo ah!
Chie: Break na kaming dalawa.
Jong: Mahal mo siya talaga? Hindi mo kayang mawala siya sa buhay mo.
Chie: Oo, mahal ko siya at may mahal siyang iba.
Jong: Ginawa niya ulit?
Chie: Oo, naging manhid ako para sa kanya.
Jong: Nasaan ka ba?
Chie: Sa condo, aalis ako babalik ako ng China.
Jong: Kaya mo bang layuan siya?
Chie: Hindi eh!
Jong: Balikan mo baka kapag tuluyan mo siyang iwan wala ka nang babalikan.
Chie: Thanks!
Jong: Saan?
Chie: Wala, bye.
Jong: Bye.
Kinabukasan, sabay ulit kami pumasok sa school ginamit ko ang sasakyan na regalo sa akin ng magulang ni Jia ko.
Nasa loob ako ng canteen kasama ko si Thea sa lunchtime hindi ako sumabay sa fianee at kaibigan ko.
"Yes, I want her to be hurt by your friend because she caught her my ex," aniya nang mapatingin sa kabilang side.
"Magkaibigan kaming dalawa kaya hindi ko kayang saktan siya," mahinahong sambit ko umiwas ako ng tingin ng titigan niya ako.
"Do you love her? Do you know her?" tanong niya sa akin nag-aalangan akong magsalita ayokong madulas at malaman niya ang totoo.
"Hmmm.." nag-aalangan kong sambit sa kanya.
"Ipaglaban mo siya kung gusto mo maging sa'yo si Jia kung totoong mahal mo siya aamin mo sa kanya ang nilalaman niyan," aniya at tinuro ang puso ko hindi ako nagsalita dahil totoo naman kung mahal ko siya dapat hindi ako pumayag sa gusto niya nakipag-hiwalay na lang ako sa kanya.
"How do I fight for love her, if she did not want to be away from me," aniko na lang may ibig akong malaman.
"She did not know?! I want to know, if you love her more than you friendship," aniya sa akin.
Sabihin ko ba?! Hindi ko muna sasabihin, ayokong saktan ang mahal ko.
"Kung kami ang magmamahalan sa huli, darating din 'yon maghihintay ako," mahulugang sambit ko sa kanya may tiwala ako sa fiancee ko.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko sa kanya napansin kong kumunot ang noo niya ina-arok niya ang sinabi ko.
"Sige, ano ba ang plano mo?" tanong ko.
"Magpanggap lang tayo na nag-dedevelopan." aniya sa akin.
"Okay," aniko 'yon lang pala akala ko iba ang gusto niya.
Tumawa na lang siya bigla nagtaka naman ako nang magtatanong ako winagayway na lang niya ang kamay sa harap ko.
"Wala." aniya kahit halatang meron hindi na lang ako nagsalita.
Napatigil si Thea sa pagtawa nang may lumapit sa aming dalawa at napatingin ako sa taong lumapit sa table. Nakita ko ang fiancee ko napalapit sa aming pwesto bigla ako nangilabot bigla wala naman akong ginagawang hindi maganda.
"Aalis ka?" tanong niya nang lumapit siya sa amin.
"Oo eh!" mahinahong kong sambit sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"May pupuntahan ako," kaila ko napatingin ako kay Thea.
"Saan naman?" tanong niya sa akin tinititigan niya ako.
"Bakit ka puro tanong sa kanya?" sabat ni Thea nang balingan niya ng tingin ang fiancee ko.
"Anong paki mo?" mataray nasambit ng fiancee ko sa kanya.
"Meron, nililigawan niya ako." aniya napa-iwas ako ng tingin sa fiancee ko ng sinamaan niya ako ng tingin.
"Ops!" awat ko sa dalawang babae ng iba ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Oh, talaga." mataray niyang sambit kay Thea.
"Oo." sambit ni Thea hindi siya nagpapatalo sa sagutan nila ng fiancee ko.
Sana sumunod ka dito, Vhenno para tumigil silang dalawa.
"Weh!" sigaw niya at sabay na umalis sa harap saka lumakad palabas ng canteen at sinara niya ang pintuan.
"Ano ka ba!" bulong ko kaagad kay Thea pagkalayo ng fiancee ko.
"Simula pa lang..mainit na, hindi lang 'to para sa akin kundi sa'yo." aniya sa akin natahimik naman ako.
"What happened?" bungad ng kaibigan ko sa amin.
"Wala." kaila ko sa kanya.
"Sinabi ko lang na nililigawan ako ni Kenchie." sabat ni Thea sa kanya.
"Oh, totoo?" tanong niya nang balingan niya ako ng tingin.
"Hindi totoo ang sinasabi niya," aniko sa kanya.
"But-" sabat ni Thea sa aming dalawa.
"Akala ko totoo sayang!" aniya umiling na lang siya dahil alam kong may hinala na siya.
"Bakit naman?" takang tanong ni Thea sa kanya.
"Akala ko totoo? Ah! Wala." aniya kaagad siyang umalis sa tabi nalingunan kong sinundan niya ang fiancee ko.
"Isang buwan lang pagpapanggap natin, Chie alam mo sa sarili na mahal mo siya pero siya ba? Mahal ka ba niya?" sabat ni Thea.
"Nabigla ako sa sinabi mo kay Jia at kaya hindi ako nakapag-isip agad sinabi ko rin kay Kecha ang totoo," aniko na lang at tumayo ako kinuha ko ang backpack sa tabi ko.
"Ganyan ka ba talaga kapag natataranta?" sambit niya dahilan para matignan ko siya.
"Ano?" aniko.
Umiwas siya at nauna pang bumalik sa classroom namin. I was just listening to our professor I could not look my fiancee even though I was beside to her.
After our class I turned to them and said,
"Mauna na kayo." wika ni Chie sabay tumayo at lumapit kay Thea.
Lumabas na kami sa classroom at nang maglalakad na ako palabas ng school.
"Saan ka?" tanong niya napalingon ako sa kanya.
"Ihahatid kita sa inyo?!" alanganin kong sambit sa kanya.
"Puntahan muna natin ang kaibigan ko sa kabilang classroom," aya niya at bumalik ako sa tabi niya.
Lumiko kami at nagpunta sa kabilang building. Nakita namin na may nag-lalabasan nang estudyante sa hinintuan naming classroom.
"Heira!" kaway niyang tawag sa isang babae payat ang katawan.
Lumingon ito sa amin at kaagad na lumapit.
"Thea, ano 'yan?" puna niya sa aming dalawa.
"Wala, ano ka ba! Ano, tara?" aya niya sa kaibigan niya.
"Sige, hello!" anito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad na silang dalawa nakasunod lang ako.
"Heira, si Kenchie at Kenchie si Heira kaibigan ko." sabat niya at tumango lang ako.
"Saan tayo?" tanong ni Heira sa kaibigan niya.
"Tulungan mo ako maghanap ng apartment, ang layo ng biyahe ko pauwi sa bahay." aniya sa kaibigan.
"Alam ba nila tito at tita 'yan?" tanong ni Heira sa kaibigan niya.
"Oo, sila pa ang nagsabi sa akin." aniya nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.
Nang makalabas kami sa school inalok ko sila sumakay sa sasakyan ko.
"May driver ako, Kenchie." wika ni Heira sa akin.
"Sasamahan ko kayo sa paghahanap at ako na ang maghahatid sa inyo," aniko.
Nagkatinginan pa silang dalawa bago umalis sa tabi namin ni Thea ang kaibigan niya.
Pinuntahan niya ang isang van nakaparada sa parking area. Tinuro niya kami sa isang matandang lalaki kinawayan na lang namin ito. Bumalik kaagad ang kaibigan niya at ngumiti sa akin.
"Pumayag na siya," sambit ni Heira at binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko.
Sumakay sa backseat ang kaibigan ni Thea.
Naupo siya sa harap na katabi ko pinaandar ko ang sasakyan pagka-suot ko ng seatbelt na ganun din ang ginawa niya.
Bawat may nakikita kaming paupahang apartment hinihintuan ko at nagtatanong kami.
"1k para sa installment fee graduating na ba kayo? Malaki ang apartment na 'to medyo may kalayuan lang sa school na sinasabi nyo tatlong sakay bago ka makapasok," sambit ng babaeng nasa 40's ang edad.
"Opo," sabay naming sambit sa kanya.
"Kayo ba ang titira?" tanong ng babae sa amin.
"Siya lang po," sambit ni Hera tinuro ang kaibigan niya sa babae.
"Kada buwan 2,500 discounted na 'yan sa mga estudyanteng tulad mo kasi halos 3-4k ang rental ko sa taong titira ng pang-matagalan sa apartment ko, installment fee ganun presyo pa rin." wika ng babae.
"Hindi ba binibigyan ka ng allowance nina tito at tita?" sambit ni Heira sa kaibigan niya.
Pumasok ulit siya sa loob ng apartment at nagpaalam sa may-ari na kukuhanan niya ng picture ang apartment.
"Kapag nagustuhan ng magulang ko babalik kaagad ako, salamat." sambit niya sa babae.
"Reserved na 'yan para sa'yo, hija nakikita ko sayo ang anak kong nasa abroad ito ang cellphone number ko tawagan mo ako kapag mangungupahan ka na dito magpakilala ka lang, anong pangalan mo?" tanong ng babae sa kanya.
"Althea Weyza, salamat!" sambit niya kinuha ang cellphone number ng babae nang idikta sa kanya.
Umalis na kami at sumakay sa sasakyan nahahapo kaming nagkatinginan.
"Mission acomplished! Uwi na tayo gutom na ako," angal ni Heira sa amin.
Tumawa kaming dalawa at inirapan niya kami. Inaya ko muna sila kumain at nang matapos napatingin ako sa relo ko napailing na lang ako ng makitang mang-gabi na hinatid ko muna sila sa kanilang bahay.
"Salamat, Kenchie see you next time!" wika ni Heira sa akin ngumiti lang ako sa kanya.
"Bye, Kenchie." sambit niya bumaba siya sa sasakyan.
Patay ako nito! Humarurot na ako pauwi sa bahay ng makarating ako bumaba muna ako at binuksan ang gate. Bumalik ako sa sasakyan at pinasok ko ito sa loob ng garahe. Huminga muna ako bago bumaba at kinuha ang bag ko lumakad na ako papasok sa loob ng bahay.