Chie POV Nagising ako na wala na siya sa tabi ko bumangon kaagad ako at dumeretso sa banyo para maligo. "Manang! Hindi na ako dito kakain." sigaw ko nang makababa ako sa hagdanan. Tumakbo ako papunta sa garahe kung nasaan ang sasakyan ko. Pina-harurot ko ito papasok sa school nang makarating ako pinarada ko kaagad sa parking lot ang sasakyan ko kumulo pa ang tyan ko. Nakita ko siya na palapit sa kaibigan namin at sumunod na lang ako sa kanya. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko kaagad sa kanya. "Napa-sarap ka eh! Kaya hindi na kita ginising," sambit niya at tumawa ng mahina. "Ano ba kayo? PDA?" birong sabat ng kaibigan namin. "Hindi naman." aniya sa kaibigan namin. "Hahaha!" natatawang aniya sa amin. "Nagsasama na kayo sa iisang bahay?" tiling sabat ng bakla nakatingin sa am