Jeree POV After 2 days May bibit akong maliit na karton na may nakasulat. WELCOME BACK "MOMMY AND DADDY" "Nakikita mo na ba sila, Jeree?" tanong ng ate ko sa akin. "Wala pa, ate." aniko at tumitingin ako sa mga pasaherong lumalabas ng airport tinaas ko pa lalo ang karton kung saan nakalagay ang Welcome back, mommy and daddy. Sa Centennial Terminal (NAIA 2) Habang naghihintay kami sa airport biglang tumunog ang cellphone ni ate at sinagot nya ang tumatawag sa kanya. "Are you okay, hon?" puna ni kuya Chie sa kanya nang tabihan niya ito minasdan ko ang mukha ni ate Jia. "Yes," aniya kay kuya Chie at dumantay sa balikat. "Ate, ayun sila!" tawag ko sa ate ko nang matanaw ko ang magulang ko sabay turo na palapit sa amin. "Ni hao, wo de liang ge haizi?" bungad ng daddy namin at ngumit