Chie POV Kinabukasan Umuwi na muna ako sa bahay para kuhain ang ibang gamit ko na dadalhin sa pag-uwi sa China. "Sinabi mo ba kay Jeree?" tanong ko sa fiancee ko nang abutan ko siya sa kwarto namin. "Hindi ko pa sinasabi sa kanya," aniya na hindi tumitingin sa akin. "Sige, alis na ako." aniko at saka binuhat ang dadalhin kong maleta palabas ng bahay. "Hindi na ba kita mapipigilan?" tanong niya sa akin nang nakatungo lang sa sahig. "Alam mo ang sagot sa sinabi mo." amin ko sa kanya at lumabas na ako ng kwarto namin. Dinala ko muna sa condo ko ang maleta at dalawang bagpack ko. Bago ako pumasok sa school mahirap sa akin na iwanan siya. "Hi, Thea!" bati ko kay Thea ng makita ko siya. "Ikaw pala, late ka–" mahinang bulong niya sa akin napatingin pa siya. "Nag-impake kasi ako," sambi