ALENA: Panghahawakan ko ang sinabi niya. Hindi ako nananaginip dahil gising na gising ang diwa ko. "Do you understand me?" Kunot noo nitong tanong na tila naiinis na dahil sa matagal kong pagkatulala. Napangiti ako dito at tumango. Hindi naman na ito nag salita pa at saka ako hinila para yakapin. Hindi ako nagdalawang isip na gumanti ng yakap dito. Natahimik kaming dalawa habang hinihimas ang aking buhok. Napahikab naman ako nang makaramdam bigla ng antok. Isiniksik ko ang ulo sa kanyang dibidib habang magkahiga kaming dalawa. Gusto kong matulog ng mapayapa kasama siya. Naalimpungatan ako ng maramdamang wala na ito sa tabi ko. Madilim ang paligid kaya't nabaupo ako at luminga linga. "Fabio?" Hanap ko ngunit wala ito. Kaagad akong nag tungo sa banyo at nagbaka sakaling naroon siya ngun