ALENA: Ilang araw ang lumipas. Sa loob ng ilang araw na 'yon ay kakaiba ang ipinapakita sa'kin ng Kuya Fabio. Ayaw na kasi niyang tawagin ko pa siyang kuya dahil para sa kanya ay hindi kami magkapatid. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa araw araw na pumapasok ito sa trabaho ay palagi ko siyang hinahanap. Para bang droga na nakaka adik. Sabado ng umaga at tumutulong akong mag ayos ng mga bulaklak sa vase. Kapipitas lang kasi ito sa garden kaya't sariwa pa. Dumating ang kuya Matias tsaka ako tinawag. "Kuya ano 'yon?" Ani ko. Nakangiti ito. "Busy ka? Gusto mong mamasiyal?" Napaisip ako saglit. Saan kaya kami pupunta? Hindi pa ako maka oo dahil alam kong hahanapin ako ng Kuya Fabio pag uwi nito. "Uhm sa ibang araw na lang kuya. May ginagawa rin kasi ako." Alam kong hindi nam