Chapter 17

1149 Words

“BAKIT ayaw mo ‘kong kausapin?” pangungulit ni Caden kay Nikki na bumulong na naman sa kaniya. “Lumayo ka nga sa ‘kin!” aniya sabay tulak ng mukha at balikat ng binata. Ramdam niya pa ang init nito sa katawan samantalang nanatili lang na nakayakap sa kaniya ang bango nito na parang ayaw nang maalis-alis. Napatawa ito nang marahan sa kaniya. Ibinalik nito ang atensyon sa palabas habang paminsan-minsan ay kinakausap siya o ang batang lalaki na nasa tabi nito. Ayaw ipahalata ni Nikki na katulad ni Caden ay nalulungkot din siyang nawalan na ng mga mahal sa buhay. Sino ba kasi ang hindi masasaktan at malulungkot kapag ganoon lalo na’t mahal na mahal ang mga ito? Mabigat at masakit talaga iyon sa dibdib. Kahit paano ay nakaka-relate siya sa binata. Naalala niya pa kung paano ito nakukunsumi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD