Home sweet home! Mapakla akong natawa sa isipan ko dahil, di ko pala tahanan itong kinaroroonan ko ngayon. Tahanan pala ito ni Kian at Mia na unti- unting inaanay ng isang katulad ko. Well, di ko naman siguro pwedeng angkinin lahat ng kasalanan dito dahil di naman aanayin ang isang tahanan kung matibay ang pundasyon. And base on my observation, pundido ang ilaw ng tahanang. Ang sakit lang sa mata habang pinagmasdan kong magkasundung-magkasundo ang dalawang legal wives. Habang ako, heto kumain ng marami dahil pinagod ako kanina ng mga asawa nila. For appearances lang naman ang pagiging happily married ni Mico kay Dinah dahil matagal ko nang alam na Mico is mine. Pero iyon nga lang, alam ni Dinah na may ibang babaeng kinababaliwan ang asawa niya pero di niya alam na ako iyon. Kompara