Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Isang satisfied na ungol ang pinakawalan ko nang maramdaman ko ang masarap na uri ng pananakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Agad akong napangiti nang maalala ang gwapong mukha ni Kian. Matapos maligo at magbihis ng two piece swimsuit na pinatungan ko ng see through cover-up ay masaya akong bumaba papuntang kusina. Lalong lumalapad ang ngiti ko every time na sisigid ang konting kirot mula sa ibabang bahagi ng katawan ko. Itong kirot na ito ang ebidensiya ng pagkabaliw ni Kian sa katawan ko kagabi. Medyo nagulat pa ako ng madatnan sa hapag kainan sina Daddy at ang madrasta ko katabi si Kian at ang asawa nito. "Good morning everybody- or- rather, good afternoon!" masigla kong bati at naupo sa bakanting upuan kaharap sina Kian at Mia. " Goo