Buong umagang masama ang pakiramdam ko kaya napagpasyahan kong magpaalam nang bumalik ng Maynila. Nag-alala si Daddy dahil halata ang pamumutla ko kaya hiniling niya kay Kian na biglaan din nagsabi na luluwas ng Maynila dahil pinapatawag daw siya ng Mommy niya which is Tita Yvon. Kitang-kita sa mukha ni Mia ang pagkadisgusto niya sa biglaang desisyon ni Kian na tapusin na ang bakasyon nito pero dahil takot itong kontrahin ang mother in law ay wala itong nagawa. Agad din namang nagliwanagang mukha ng gaga nang pinangakoan ito ni Kian na bibilhan ng bagong kotsepagmalik nito ng Maynila bilang regalo sa pagbubuntis nito. Regalo nga ba o suhol para di na ito kokontra? Maiiwan kasi siya dito sa resort kasama ang ina niya at si Daddy. Sa susunod na mga araw pa sila nakatakdang bumalik ng Ma