PINING "O saan ka pupunta?" takang tanong sa akin ni Maybelle habang hinihintay namin sila JT and Charity. "Rehrum. Ang nangal nung nalawa eh. Wiwi lang ango mara mamaya, nerenyo na nayo ha mol." sabi ko sa kanya saka nagmamadaling pumasok sa restroom. (Restroom. Ang tagal nung dalawa eh. Wiwi lang ako para mamaya, derecho na tayo sa mall.) Emeged. Success. Kanina pa kasi puputok yung pantog ko. Nakakaloka. Palabas na sana ako sa cubicle nang may narinig akong nagsalita. "So, totoo yung tsismis, Cha? Girlfriend mo yung friend nila Maybelle?" bigla naman akong natigilan sa narinig ko. Syempre, gusto ko ring marinig kung ano yung isasagot ni Charity diba? Malay ko ba kung kikiligin ako ng bongga, hihi. Pero ganun na lang yung paninigas ko nang marinig ko yung sagot nya. "Asa? Ako, pa