PINING "Hi." agad naman akong napangiti pagkarinig na pagkarinig ko ng boses nya. Nandito kami ngayon sa location ng taping nila para dun sa teleserye nilang tatlo nila JT and Maybelle. "Hi." nahihiyang bati ko din sa kanya sabay ipit nung buhok ko sa tenga ko. Oo na, ako na yung pabebe. Hindi nyo naman kasi ako masisisi. Ang ganda-ganda kasi talaga nung babaeng nalingunan ko eh, hihi. "I'm glad na nakasama ka kila Klarisse sa pagdalaw dito sa set." sabi pa nya habang ngiting-ngiti na nakatingin pa rin sa akin. "Ngahe ano, wala ngahe angong ano ngaya umano ango ng ano." ay pucha! Hinahayaan ko talaga yung sarili ko na magmukhang tanga sa harap ni Charity. (Kasi ano, wala kasi akong ano kaya umano ako ng ano.) Napasimangot naman ako nung narinig kong tumawa ng mahina yung magandang ba