PINING "Mango nga ngumini ng monga nyan, imaliwanang mo muna ngung mangen mo ango hinalingan." seryosong tanong ko kay Charity nung sinabihan nya ako na magkita kami dito sa may Luneta. Jusko, feeling ko tuloy ako si Enday at pinag day-off ako ni Ser at Mam. (Bago ka ngumiti ng bongga dyan, ipaliwanag mo muna kung bakit mo ako hinalikan.) Nagkibit-balikat lang naman ang bruha. Ay wow, ganun-ganon na lang? Matapos nyang guluhin yung isip at puso ko ng ilang araw. Nainis nga kanina si Charlie kanina habang magkausap kami, lutang daw kasi ako. Kung nasaan daw ba yung isip ko. Di ko kasi alam kung papa'no sasabihin sa kanya yung paghalik sa akin nitong si Charity eh. Alam ko kasing sasabihin nya sa akin na tigilan ko yung kalokohan ko na 'to. Nasabi ko kasi sa kanya na mahal ni Charity si M