PINING "O anong ngangawin nanin ngayon? Ngaling mo ngahe Huling, nami mong alam!" inis na sabi ko kay Juling. Kakaaalis lang ni Meng kase kakausapin daw nya si Charity kase nalaman na nya yung tungkol dun sa feelings nung isa. Ganda kasi nitong si Juling eh, daming alam. Ayan tuloy, pag lang talaga hindi maganda yung napag-usapan nung dalawa, humanda sakin tong babaeng 'to. Daming alam eh! Hindi marunong magpreno! (O anong gagawin natin ngayon? Galing mo kase Juling, dami mong alam!) "Eh malay ko ba naman kasi na tama na yung deduction ko kanina no! Tapos ni hindi nyo man lang kinontra. Duh!" Aba at sya pa talaga yung may ganang mag-duh ha! Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. "Alam nyo, kesa nagsisisihan kayo dyang dalawa, eh mas maganda siguro kung susundan na lang natin sil