BILANG isang hamak na Ramona Dimasupil Palacol, simple lang naman ang pangarap ko. Ang mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya ko sa Benguet. Hangad kong mapatayuan ng kahit maliit na negosyo ang mga magulang ko roon at nag-iisang kapatid. Kaya’t kahit anong klaseng trabaho ay kaya kong pasukin basta’t hindi kasama ang puso at katawan. Ngunit anong ginagawa ko ngayon? Mula sa pagkakapatong niya sa’kin, itinulak ko si Pierre palayo at bigla akong tumayo. Hindi pinansin na muntikan na siyang mahulog dahil sa bigla kong pagbangon. Inayos ko ang suot kong t-shirt na lumilis na dahil sa kamay ni Pierre sa likod ko. Habol ang hininga at nakayuko, sinimulan kong lumakad papuntang pintuan. “Sa labas na lang muna ‘ko habang nagtatrabaho ka,” mahina kong paalam. Makakatakas na sana ko kung