Dalawang araw na ang lumipas mula ng makita niya ang ama. Balik na sa normal ang buhay niya at pumasok na rin siya sa trabaho. Magkasama na naman sila ni Alvin sa opisina pero dahil busy ito, meeting dito, meeting doon ay palagi siyang mag isa sa loob ng office. Hindi niya alam kung ano ang trabaho niya dito, kung personal assistant ba or taga linis. Wala naman kasi siyang nagagawang trabaho dahil lahat ay ang dalawang sekretarya nito ang gumagawa kaya naglilinis nalang siya. Nag a-arranged nang mga papeles at taga pagpag ng cabinet. Ang unproductive ng trabaho niya sa totoo lang. Natatawa nalang siya minsan dahil gusto lang ata ni Alvin na isama siya sa opisina kaya ginawa siyang assistant kuno. Ngayon nga ay inaantok na siya dahil tulaley ang beauty niya dito. May hinatid pang pagka