EPISODE 10

1256 Words
ELENA'S POV-- Mabilis lumipas ang mga araw kay Elena. Patuloy padin ang panunuyo ni Alvin sa kanya. The truth is, she already admitted to herself that she's falling for him. Sino ba namang hindi? Alvin made sure that she didn't have a choice after all. Pinaramdam nito sa kanya na mahalaga siya para dito. Kahit may alinlangan parin siya para sa lalaki ay naisip niyang isantabi muna dahil gusto niyang sumubok. Hindi din niya mapanindigan ang desisyon niya noong una na layuan ang binata. Para ngang kulang ang araw niya pag hindi niya ito nakikita. Hindi mn nito derektang sinabi sa kanya ang nararamdaman nito ay ipinaramdam naman nang lalaki base sa mga efforts na ginagawa nito para mapasaya siya. And today, he invited her for a lunch with him later. It's sunday and it's her day off, kaya pumayag siya. Sa condo daw sila nito at ipagluluto siya nang lalaki. Sa katunayan ay nagtext na ito sa kanya na papunta na raw ito para sunduin siya. Oh diva? Textmate nadin kasi sila nang lalaki! Parang sinisilihan ang pwet niya habang nagbibihis. Kinakabahan siya na excited. Iba naman kasi ngayon kesa nong una silang nag dinner. Ngayon ay medyo may unawaan na sila nang lalaki. Kahit hindi pa niya ito sinagot ay nagpaparamdam din siya dito. Ika nga action speak louder than words. Nakasuot siya nang short shorts fitted maong at long sleeve shirt na fitted din. Sa bahay naman kasi sila kakain kaya hindi na siya nag dress. Limitado rin ang mga damit na pagpipilian. To complete her outfit, she grab her flat sandal and wore it. Saktong palabas na siya nang may bumusinang sasakyan sa labas. Ibang sasakyan na naman ang gamit nang lalaki. Sa pagkakaalam niya pang tatlo na itong ginamit nang binata. Hindi din niya alam kung ilan ang sasakyang pagmamay ari nito. Natulala pa siya saglit paglabas nang binata sa kotse. s**t! ang perfect talaga nang kumag! Mula sa botton down long sleeve na tinupi hanggang siko at pants. Ang hot! Hinakot na nito lahat nang kagwapohan. Aristocratic nose. Perfect jawline. Piercing eyes and and mouth watering lips. Mas kissable pa yata ang lips nang lalaki kesa sa kanya. Kakahiya naman! And add to that, he has a perfect set of teeth. Walang salamat doc! Lahat ay authentic. "Are you done checking me out?" A flirty smile crept in his lips. Beket ang gwapo mo po? Anakan moko please! Pero syempre sa utak lang niya yon. "Oo. kaya tara na.." Pakikisakay din niya. Mahina lang itong tumawa at sumakay na sila sa kotse nito. Walang nagsalita sa kanilang dalawa habang nasa byahe parang kontento na sila na nagtitinginan at nag ngingitian. Marufok nato! Pagdating sa condo nang binata ay nagpaalam itong magtutungo sa kusina at uumpisahan na nitong magluto. Sumunod sya dito at umupo sa high chair na nakaharap sa binata. "Are you seriously going to watch me while I'll cook?" Nakakunot ang noo nang lalaki. "Oo, bakit bawal ba? "I can't concentrate, I'll just saw this recipe on youtube and I wanted to impress you so I will cook it for you." "Ha-ha magluto ka lang dyan. Huwag mo'kong pansinin. Isipin mo nalang na nasa isang cooking show ka at ako ang judge. " "You and your crazy words. " umiling iling pa ito at may maliit na ngiti sa mga labi. Hinanda nang lalaki ang mga ingredients at nag umpisang maghiwa nang mga gulay. Magluluto daw ito nang afritadang manok. Pinanunuod niya ang bawat galaw nang lalaki sa kusina nito. Halatang hindi ito sanay sa ginagawa pero nag eefort talaga itong ipagluto sya. Ganda ka gurl? Nakatalikod ang lalaki sa gawi niya at nakaharap naman ito sa niluluto. Nakasuot ang binata nang apron at walang pang itaas na damit. Kitang kita niya kung paano mag flex ang ang muscles nito kahit sa simpleng galaw. Likod palang, ulam na! Unti-unting bumaba ang kanyang paningin sa maumbok nitong pang upo. Napalunok siya at napatikhim bigla, buti nalang at hindi sya napansin nang lalaki. Homaygaddd! Ang sexy nang pwet! Ang sarap paluin! Natatawa nalang talaga siya sa mga iniisip niya. Pagdating talaga sa lalaking ito ay lumalabas ang inner side niya. Akala niya ay wala talaga siyang amor sa mga lalaki. Ilang beses na din kasi siyang nakakita nang gwapo at macho pero wala namang dating sa kanya ang mga ito. Marami din nanligaw sa kanya sa probinsya nila pero walang nakakuha nang interes niya. Kay alvin lang talaga nag iba ang pananaw niya. Perfect kasi sya girl! Choosy kapa? "Almost done!" Napaigtad pa siya nang magsalita bigla ang lalaki. Napansin nitong iba ang expression nang kanyang mukha. "Hey, are you okay?" May pag aalala sa boses nito. "O-oo naman.. Ano kasi.. May naisip lang ako." "Okay. I'll prepare the table. And you, you sit there and relax." Kumuha ito nang mga pinggan sa lalagyan at Naghain nang niluto nito. Umupo nadin ang binata katapat niya at pinagsandok din sya nang pagkain. Habang sumusubo sya ay nakatingin sa kanya ang lalaki na para bang naghihintay nang hatol niya tungkol sa niluto nito. "So, how was it?" Excited nitong tanong. Nilunok muna niya ang pagkain at nag thumbs up ang sya nang dalawang kamay. "Pwede kanang mag asawa Alvin! Masarap at sakto lang pagkakaluto." Totoo yon, masarap talaga ang niluto nang lalaki "Really? So pwede na kitang pakasalan?" Nasamid siya bigla nang marinig ang sinabi nito. Mabilis din siya nitong inabutan nang tubig at ito na mismo ang nagpainom sa kanya. "Grabi ka ha.. Nakakagulat naman yon! Wag ka nga magbiro nang ganon!." Kunwari ay natatawa pa siya sa sinabi. "Im not joking. Why? Do you have any plans in getting away from me? I told you, we will work things out." Mahina at seryoso nitong sabi. "T-teka! Pwede ba kumain muna tayo? Baka hindi ako matunawan e. Masyado kang seryoso hehe." Nilakipan niya nang tawa para mawala ang tensyon sa pagitan nila. "Yeah. Sorry. We should eat first then we'll talk later." Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ay nagpresinta siyang maghugas nang pinagkainan nila, hindi sana ito papayag kaya lang ay malakas ang convincing power niya, sinabi niyang ito ang nagluto kaya siya naman ang maghuhugas. Medyo na conscious siya habang nag huhugas, paano kasi kahit nakatalikod ay damang dama niya ang mga titig nito sa likuran niya parang lumalampas hanggang kaluluwa niya ang tingin nito. Humugot sya nang lakas nang loob na lumingon at muntik na nyang mabitawan ang pinggan nang paglingon niya ay ang mabango nitong dibdib ang bumangga sa kanyang ilong. "H-hindi pa a-ako tapos." Kandautal pa sya nang magsalita. "I can see that." "Tatapusin ko lang to A-alvin." Umikot siya para ipagpatuloy ang paghuhugas nang biglang may brasong umikot sa kanyang tiyan. Nanigas siya bigla at hindi malaman kung anong gagawin. Lord! Ayan na naman po sya, Naririnig niya ang dagungdong nang dibdib pero pinilit niyang tapusin ang ginagawa. Hinayaan niya ang lalaking nakayakap sa kanyang likod hanggang matapos. Naitawid naman niya ang kanyang hinuhugasan nang walang nabasag. Niyaya siya nitong manood nang netflix sa sala nang bahay nito. Napagdesisyonan nilang action ang ipalabas. Magkatabi sila sa mahabang sofa, medyo may distansya rin sila dahil nahihiya sya. Mga 1 inch, ganon. Papaliguan talaga siya nang holywater nang kanyang lola sa probinsa kapag nalaman nito ang pinang gagagawa niya sa buhay niya! Parang huminto ang kanyang utak nang humiga ang lalaki sa couch at ginawang unan ang hita niya. Sinubsob pa talaga nito ang mukha sa kanyang tiyan. Diyos ko po! Seducing alert!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD