Dalawang araw na mula nang dumating siya sa kanila at makausap ang mag amang iyon. Hindi parin nag sink-in sa kanya na pumayag siyang magpakasal sa lalaking hindi niya kilala. Nag usap nadin sila nang nanay niya at nakumbinsi niya itong okay lang siya, kahit hindi. Pero wala silang ibang choice. Hindi niya pwedeng pabayaan ang pamilya niya kaya gagawin niya ang lahat kahit isakripisyo ang sarili. Wala siyang ibang ginawa sa bahay kundi matulog at mag isip. Dalawang araw nadin tunog nang tunog ang cellphone niya. Pero wala syang balak sagutin o tingnan man lang iyon. Kadalasan ay number ni alvin ang tumatawag. Maraming text at wala siyang sinagot ni isa. Where are you? You're not here at the Eatery. Fuck! Tell me where are you or I'll go crazy. Elena babe? Please.. Im I fast