ELENA'S POV-- Dumating na ang araw kung saan pupunta na sila sa pamilya ni Alvin. Pagising palang niya sa umaga ay hindi na siya mapakali. Ibinili din siya ng damit ni Alvin para sa araw na ito. Simple lang naman iyon pero siguradong mahal kaya hindi na siya nagtanong kung magkano dahil malulula lang siya sa presyo. Nagulat din siya ng kaninang tanghali ay may dumating na mga make up at accesories na para sa kanya. Ayaw niya sa mga ganon dahil hindi naman siya mahilig at wala siyang alam kung paano iyon gamitin, pero pinagpilitan ni Alvin kaya wala siyang nagawa. Kakatapos niya lang maligo at nakaharap na siya ngayon sa salamin, may nakapatong na tuwalya sa ulo. Tiningnan niya ng maigi ang sarili sa repleksyon. Kaya mo yan Elena! Pagpapalakas niya ng loob sa sarili. Hinalungkat niy