bc

Marrying The Nun

book_age18+
30
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
arranged marriage
goodgirl
sweet
lighthearted
female lead
city
small town
virgin
like
intro-logo
Blurb

Upang makuha ang mana ay kailangan ni Trina na magpakasal subalit paano siya magpapakasal kung siya ay isang madre at hindi kailanman nagkaroon ng kasintahan.

Will she take the risk of living the convent for her heritage ?

Trina Collins x Sebastian Valdez

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - GOING BACK TO GEORGE TOWN
"Ave Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen" patuloy na pag darasal ng mga madre sa loob ng isang kumbento. Patuloy ang pag lakad ni Emma sa loob nito at tila may hinahanap. Kita niya ang puting kulay sa buong lugar at mga lining sa bawat gilid ng digdig nito. Payapa ang paligid at maririnig mo ang huni ng mga ibon. Nang marinig niyang tumigil ang pagdarasal at nagtayuan na ang mga ito. Lumapit siya sa isa sa mga nakabelo at palda na pang madre. "Hello po sister goodmorning po! Itatanong ko lang po kung sino po ba dito si Trina Collins?" Tumikhim muna ang nakatatandang madre bago nagsalitang muli at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot si Emma ng white blouse at pencil skirt na black at coat na itim din. Tumaas ang kanang kilay ng nakatatandang madre na tila nagtataka kung bakit siya narito. "Maaari ko bang malaman ano ang kailangan mo sa kanya?" Pag-uusisa ng madre. "May importante lamang po akong sasabihin tungkol po sa pamilya niya." "Hmm" Tugon nito, naningkit ang mga mata ng matandang madre sa pagkakatingin kay Emma. "Maghintay ka dito at tatawagin ko lamang siya" inayos nito ang salamin sa mata at naglakad ito patungo sa isang silid. Matapos ng limang minuto ay lakad takbong lumapit kay Emma ang isang magandang dalaga na nakaputing belo at bistida. Napaka-amo ng mukha nito at mapupungay ang mga mata na may makapal na kilay at pilik-mata na nakadaragdag sa kagandahan nito. "Hi! I'm Trina Collins and your?" "I'm Emma Trevors the secretary of your late grandfather Julian Collins." Sagot nito ng nakangiti at yumuko ng bahagya. "Late grandfather? I'm sorry Miss Emma baka nagkakamali ka, buhay pa si lolo ng huli ko siyang makita. Malakas at maayos ang kalusugan niya anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Trina at pilit na ngumingiti. Nangingilid ang mga luha sa mga mata nito at tila ba babagsak ano mang oras. "I'm sorry to say this Miss Collins but your grandfather had a heart attack yesterday. Ikaw lang ang tanging tao na maaari naming mapuntahan inregards with his funeral and the company that he had left." Unti-unting tumulo ang mga luha ni Trina matapos marinig ang masamang balita. Nanghina ang mga tuhod nito at wala sa sariling napaupo na sa kinatatayuan.Umupo si Emma at hinawakan ang dalaga sa balikat na patuloy pa din sa paghikbi at pagtulo ng luha. "Sabihin mong hindi totoo iyon! Hindi ako iiwan ni Lolo Julian ng ganun na lang. Sabi niya kapag ganap na madre na ako ay bibisitahin niya pa ako dito. Emma sabihin mong nagbibiro ka lang. Malakas pa si Lolo Julian ng huling beses akong umalis. Sinabi niya na on my final vows as a nun he will be here. Hindi niya ako iiwan!" Patuloy na pag-iyak ni Trina. Wala nang iba pang pamilya si Trina kung hindi si Lolo Julian niya. Ang mga magulang niya ay namatay sa isang car accident kaya hindi niya na nakita pa ang mga ito. Nang pumasok siya ng kumbento ay hindi niya na nakita pang muli ang kanyang lolo. Dalawang taon na din ang lumipas mula ng makita niya ang kanyang lolo. Simula ng magtraining siya sa kumbento ng GoldenBurgh. She's still in the early stage of being a nun. Maraming taon pa ang gugugulin niya sa kumbento upang maging ganap na madre. Bago siya umalis patungo sa GoldenBurgh Convent ay madaming beses siyang pinigilan ng kaniyang Lolo subalit buo na ang desisyon ni Trina upang maglingkod sa Diyos. Kahit alam niyang madaming sakripisyo at hirap ang pagdaraanan niya. "Trina it's best kung sasama ka muna samin to see your grandfather in his last days. I know it's hard for you pero the best you can do right now is to be with him kahit wala na siya. Maybe you can ask your superior if you can leave with me now." Pinunasan ni Trina ang mga luha sa mata bago sumagot. "Miss Emma wait for me here. Magpapaaalam lamang ako sa aming superior upang makasama ako sayo." Unti-unting tumayo ang dalaga at inayos ang kanyang bistida at belo na puti. Naglakad ito patungo sa isang silid kung saan nandoon ang kanyang superior. "Mother Superior nais ko lamang pong magpaaalam na mawawala ako ng ilang linggo pupunta po muna ako sa burol ng aking lolo sa George Town City at aasikasuhin ko lamang po ang mga naiwan niya." magalang na pagpapaalam ni Trina. Kasalukuyang may ginagawa ang mother superior niya na si Airene. Nakaupo ito at may isinusulat. Nang magsalita si Trina ay itinigil nito ang ginagawa at tumingin sa kinaroroonan ng dalaga. Nasa edad singkwenta-isingko na ito subalit mababakas pa din ang kagandahan sa mukha nito. "Papayagan kita Trina. Sorry to hear that your grandfather had passed away. Take your time to grief. I'll let you rest for one month. Sana huwag mong makalimutan ang sinumpaan mong tungkulin sa ating panginoon matapos ang mga kailangan mong gawin. Aasahan ko ang iyong pagbalik Trina." Tugon nito at ngumiti. "Salamat po mother superior. Aalis na po ako at sisiguruhin ko po ang aking pagbalik. Maraming salamat po." Galak na sagot ni Trina. Tatlong oras na biyahe din ang lumipas bago sila nakarating sa siyudad ng George Town kung saan nakatira sa Trina. Di gaya sa GoldenBurgh na sub-urban na payapa at tahimik ang pamumuhay, mas mabilis ang takbo mg buhay dito. Lahat ng tao ay tila nagmamadali palagi papunta sa trabaho at napakadaming establisyemento ng iba't -ibang uri ng mga negosyo. May mga nagtataaasan din na mga building dito at maraming sasakyan sa kalsada. Kasalukuyang nakatingin si Trina sa bintana ng kanilang sasakyan habang binabaybay ang kahabaan ng George Town City patungo sa executive village kung nasaan ang mansyon ng kaniyang lolo. Galing si Trina sa isang prominenteng pamilya. Kinikilala ang kanyang Lolo Julian dahil sa isa ito sa pinakamayaman at magaling makisama na business man sa lungsod. Alas-tres na ng hapon ng tuluyan nilang marating ang mansyon. Pagbaba pa lamang ni Trina ng sasakyan ay nakita na niya ang napakalaking gate ng kanilang mansyon na kusang bumukas nang sila ay dumating. Tatlong katiwala din sa kanilang bahay ang kanyang naabutan na sumalubong sa kanila sina Rona, Karlene at Aling Delya. Bata palamang siya ay katulong na nila ang mga ito. "Magandang hapon po Miss Trina." Sabi pa ni Rona na nakangiti. "Ate Rona!" Galak na salubong ni Trina at yumakap dito. "Ate Karlene at Nanay Delya!" Sabay hinagkan niya din ang dalawa. "Pasensiya na Trina hindi namin nagawa ang pangako namin sa iyo na maantay ka ng Lolo mo. "Palagi ka niyang hinahanap sa amin sampung araw bago siya mawala. Nawala sa alaala niya na nagpunta ka sa kumbento. Tuwing gabi at pagkagising niya ay ikaw ang naiisip niya. Hanggang sa mga huling sandali niya Trina ay ikaw ang naiisip niya." Dagdag pa ni Aling Delya. Muli na namang nangilid ang mga luha ni Trina sa kanyang mga mata. Parang kinurot ang kanyang puso sa nalaman. "Andyan na po ba si Attorney Razon?" Pagputol ni Emma ng makalapit sa apat na babae. "Opo Miss Emma andun po siya ngayon sa study room." Sagot ni Karlene. "Miss Collins we need to speak with Atty.Razon" Emma said. Patuloy silang naglakad patungo sa loob ng mansyon habang ang kanilang mga katiwala ay unti-unting ibinaba ang mga gamit ni Trina mula sa sasakyan. Marami nang ipinagbago ang mansyon nilang ito. Naging mas maganda ito kaysa noong andito pa siya. Ang mga halaman sa kanilang malaki at malawak na hardin ay nag gagandahan. Makikita mo ang berdeng damo at iba't-ibang uri ng halaman gaya ng marigold, cosmos at sunflowers. Natigil ang pag-uusisa niya ng buksan ni Emma ang isang malaking silid na puno ng aklat. Ito ang study room ng Lolo Julian niya. Nakaupo sa gilid ng desk ng kanyang lolo si Attorney Razon; May hawak na attache case at nakasalamin. Tumayo ito nang pumasok sila sa pinto at bahagyang yumuko bilang pagbati. "Goodmorning Mr. Razon. This is Trina Collins siya ang apo ni Sir Julian." Nakangiting tugon ni Emma. "Hello Miss Collins. I am Attorney Charles Razon." Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya at ngumiti. Matangkad ito,maputi at singkit ang mga mata na may salamin. "Hi, I'm Trina. Nice to meet you." Nakangiting sagot ng dalaga. Matapos niyon ay naupo na ang tatlo. Inilabas ni Attorney Razon ang last will and testament at inilahad sa dalaga ang kopya nito. Binabasa ni Trina ang last will and testament ng biglang......(Itutuloy)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
35.3K
bc

Just Got Lucky

read
142.2K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.9K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.4K
bc

The Luna He Rejected

read
139.7K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
775.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook