Kinabukasan Before Christmas "Hija!" tawag ni aling Osa sa akin nang sinasara ko ang pintuan ng apartment ko. "Po?" aniko at napangiti na lang. "May ipapabili ka ba sa palengke? Isasabay ko ngayon kapag naka-uwi ka na dun ko na lang ibibigay." sambit ni aling Osa sa akin. "Tatlong kilong baboy na lang po at sangkap sa adobo at sinigang ito po ang pera," sambit ko na lang at binuksan ko ang bag para kumuha ng pera. Binigay ko ang isang libo na allowance ko mula sa magulang ko. "Ang laki nito, hija." sambit ni aling Osa sa akin. "Wala po ako barya kahit five hundred wala po," sambit ko naman. "Ibabalik ko ang sukli ng isang libo," sambit ni aling Osa. "Sige po, pasensya sa abala wala akong oras ngayon dapat nung kailan po pupunta ako sa palengke." sambit ko. "Ayos lang, naiintindi