Vhenno POV Nakita ko ang dating girlfriend sa dating tagpuan namin noong may relasyon pa kaming dalawa. Mula sa malayo natatanaw ko siya hindi ko malaman kung iiwanan ko na lang siya o hindi. Sino kaya ang hinihintay niya dito? Nang makita kong nakatayo ang dating girlfriend at may hinahanap sa paligid ng plaza. Ilang oras makalipas nakita ko ang isang matangkad na lalaki lumalapit sa dating girlfriend. Sumimangot ako bigla nang yakapin ito ng dating girlfriend at nagka-ngitian pa silang dalawa. "Gwapo mukhang babaero naman ang itsura," puna ko sa lalaki nakamasid lang ako mula sa malayo. Umalis na lang ako kaagad at sumakay sa sasakyan ko para umuwi sa bahay. Kinabukasan Naglalakad ako sa hallway nang may umakbay sa balikat ko napalingon ako at nakitang nakangisi ang kaibigan ko.