Thea POV Pumunta ako sa bahay namin at naabutan ko ang magulang ko na nakaupo sa labas. "Mama!" tawag ko at nagmano ako pati sa papa ko. "Kamusta na ang pag-aaral mo?" tanong ni mama sa akin ng tumingin siya. "Mabuti naman ang pag-aaral ko, mama kayo kamusta na kayo dito?" tanong ko sa magulang ko. "Mabuti rin kami ng papa mo, anak ang kuya mo uuwi mula sa abroad gusto mong sumama sa paghatid?" tanong ni papa sa akin ng tignan niya ako. "Talaga? Kailan ang uwi ni kuya?" tanong ko sa magulang ko. "Hindi pa niya sinasabi kung kailan siya uuwi pero sinabi niyang malapit na daw," wika ni papa sa akin. "Ah! Hindi man lang niya ako kino-kontak hindi yata ako namiss," aniko at natawa ang magulang ko sa inasta ko. "Dito ka ba kakain ng hapunan?" tanong ni papa sa akin. "Oo, mama pahatid