Chie POV Mahal niya ako pero, bakit ayaw niyang iwanan ang lalaking 'yon? Bumangon ako sa kama at hinalikan ko siya sa labi bago ako umalis sa kama namin. Oo, may nangyayari sa aming dalawa mula ng magsama kami sa iisang bahay. Kahit alam kong wala lang 'yon sa kanya nakakaselos pa rin kasi fiancee ko may kasamang ibang lalaki may tiwala ako sa kanya hindi sa lalaking 'yon. Dumeretso ako sa banyo para maligo nang matapos ako sa loob na ako ng banyo nagbihis ng uniform. Pagkalabas ko sa banyo kinuha ko ang bag at lumakad na ako binuksan ko ang pintuan lumingon pa ako sa kanya bago ko sinara ang pintuan. Natawa ako sa sarili ko ng marinig ko ang malakas na hilik ng kapatid niya. Nang makalabas ako ng bahay binuksan ko ang gate binati ko pa ang kapitbahay namin at bumalik ako para i-star