Thea POV
Kinabukasan
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng dati kong boyfriend.
"Passtt.." tawag ng kaibigan ko sa akin na katabi ko.
"Oh.." aniko na lang.
"Tulala ka na dyan," aniya sa akin.
Naglakad na kami papasok sa loob ng classroom namin.
"Hi, bhabe?" bungad at bati ni Vhenno nang salubungin ang girlfriend niya kasama ang kaibigan nito na si Kecha.
"Hi!" bati nito sa boyfriend ng lumapit sa kanya.
"Let's go?" aya ni Vhenno at hinawakan ang kamay ng girlfriend niya.
Napatingin ako sa kaibigan niya ng bumulong ito at bigla naman nagsalita si Chie.
"Hindi na ako sasabay sa inyo." sabat ni Chie nang tumabi siya at hindi niya pinansin ang kaibigan.
"Ikaw ang bahala," wika ni Kecha nang makita niya ang kaibigan.
"Okay," sabat ko nang sabay naglakad kami ng girlfriend ko kasama ang kaibigan nito na si Kecha.
"Mauna na ako," bulong ng kaibigan ko sa akin tinanguan ko na lang siya.
"Hello, cutie!" bati ko kay Chie nang masalubong ko siya papasok sa loob ng classroom.
"Hi, Thea!" bati ni Chie at nginitian na lang niya ako.
Pumasok na ako sa loob at naupo sa pwesto ko. Dumating ang professor namin at nagturo lang nakikinig ako pero ang tenga ko malakas ang radar.
"Ano 'yon?" chismosa 2.
"Yeah!" chismosa 1.
"'Yaan mo siya," chismosa 3.
"Tama!" chismosa 2.
Nang bumalik ang kaibigan niya sa classroom namin pinag-tinginan siya ng mga kaklase namin.
Nagtataka ako kung ano ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan.
Ito ang mahirap sa mga kaklase namin napaka-chismosa talagang pinag-uusapan ang napapansin.
"Ano kaya 'yon?" classmate 1.
"Oo nga eh!" classmate 3.
"May boyfriend na siguro siya," classmate 2.
"Sino?" classmate 3.
"Sa tingin mo, sino sa kanilang dalawa," classmate 1.
"Oo nga!" classmate 2.
"Ang chismosa nila wag na nila pakialaman ang buhay ng ibang tao," wika ni Jia sa mga kaklase namin.
"Yeah!" wika ni Chie.
"Halika dun tayo sa ANO natin," aya ni Jia at tumayo na lang siya at lumabas ng classroom sumunod sa kanya ang dalawang kaibigan.
Sinundan ko na lang sila ng tingin napatingin ako sa dating boyfriend ko.
"Sige," wika ni Kecha sa kaibigan niya.
Pagkakataon ko na 'to para maka-akit si Chie.
"Ken!" tawag ko kay Chie.
"Bakit?" tanong niya sa akin.
"Date tayo ulit," aya ko sa kanya at ngumiti lang ng kaunti.
"Okay, call ako." sambit niya sa akin.
"Punta ka sa bahay namin," aya ko sa kanya at lumakad na ako kaagad palayo.
"Sige," wika ni Chie sa akin alam na niya ang bahay ko.
May gusto si Chie kay Jia pero pinipigilan niya mahulog ang loob niya sa kaibigan niya.
Nang mapansin kong kakaiba sa mga mata niya.
"Tse!" sambit ni Jia sa kaibigan niya.
"May sinasabi ka ba?" tanong ni Vhenno sa girlfriend niya.
"Wala," sambit ni Jia sa kaibigan niya.
Ano kaya 'to?
"Naku!" asar ni Kecha sa kaibigan niya.
"Hay," sambit ni Jia sa kaibigan niya.
"Okay, sasamahan ko ang mga kaibigan ko muna," aniya sa akin sabay alis at lumapit sa kaibigan niya.
"Okay," sambit ko at lumayo na lang ulit.
Umalis muna ako para pumunta sa library kung saan ako tumatambay.
After 3 hours
Napalingon ako sa boyfriend ko ng biglang tumayo siya at lumapit sa girlfriend niya.
"Okay," sambit ni Jia at kinausap ang kaibigan niya.
"Mauna na ako sa inyong dalawa," sambit ni Chie sa dalawa at lumakad palabas ng classroom.
Nang nasa labas na sina Vhenno at Jia nasa likuran nila ako na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
"Ano kaya 'yon?" sambit ko na lang ng may marinig akong nag-uusap.
Nagpunta ako sa lugar kung saan kung saan kami magkikita ni Chie.
Napalingon ako sa taong nagsalita sa likod ko. Nagulat ako sa taong nalingunan ko hindi ko inaasahan mahaharap ko siya.
"Nanliligaw na ba siya sayo?" bungad niya sa akin nang lapitan niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" naitanong ko sa kanya.
"Gusto kita kamustahin dalawang taon na mula nang hindi tayo nagkausap nang tayong dalawa lang," aniya sa akin nakita kong lumayo ito sa akin.
"Ayoko maging istorbo sa inyo ng girlfriend mo kaya ako na ang lumalayo saka mag-kaklase tayo hindi kita iniiwasan kung 'yon ang gusto mo sabihin sa akin," sambit ko at iniwan ko na siya napahinto ako nang magsalita siya.
"Ayoko sana siya para sayo pero kung sa kanya ka magiging masaya." aniya sa akin at nauna na siyang umalis.
Hay! Nakakainis manhid niya talaga, hindi ba niya nakikitang malamig ang pakikitungo ni Jia sa kanya nandito naman ako eh!
"Thea!" tawag ng isang kaklase ko sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaklase nang makitang lumapit siya sa akin.
"Bakit ka nakatingin sa kanya?" tanong ng kaklse ko sa akin.
"Kanino?" kaila ko sa kaklase sabay iwas ng tingin kay Vhenno.
"Kay Vhenno, kanino pa ba at boyfriend na siya ni Jia." sabat ng isa pang kaklase namin habang naglalakad na kami palabas ng school.
"Hahaha!" tumatawang kong sambit sa dalawang kaklase.
"Selos ka dahil, hindi ka niya pinapansin pero, nang pumasok si Jia sa school na 'to agad niyang nilapitan ito." sabat ng kaklase ko sa akin.
Kung alam nyo lang kung ano ang meron sa amin ni Vhenno noon.
"Oo nga!" sabat din ng kalase namin tumingin sa harapan namin.
"Hahaha!" natatawa kong sambit umiiling na lang ako sa dalawang kaklase ko.
"Tara na nga! Dumaan muna tayo sa 7-11." wika ng isang kaklase ko sa akin.
"Sige," aniko umiwas ng tingin sa dalawang kaklase ko nasa harapan.
Oo, alam kong naging stalker na ako at hanggang ngayon MAHAL KO SIYA eh! Pero, hindi alam ng mga kaklase ko 'yon at saka NERD ako noong high school pa kami.
Napapailing na lang ako habang naglalakad papuntang 7-11 kasama ang dalawang kaklase.
"Hindi ka na umimik dyan," puna ng kaklase ko sa akin.
"Wala," kaila ko at tumayo sa upuan bago ako lumabas ng 7-11.
"Fine," wika ng kaklase ko sa akin at sumunod na lang.
Naaalala ko ang pinag-usapan nilang dalawa ni Chie sa loob ng kanilang classroom kanina habang hindi pa dumadating ang kanilang professor.
Kinalabit ng kaibigan at kaklase si Thea nang makitang tulala ang kanilang kasama.
"Nasaan na si Kenchie?" tanong ng kaklase ni Thea sa kanya.
"Ako ba ang hinahanap nyo," sabat ni Chie nang lumapit sa aming tatlo napatimgin ako.
"Kanina ka pa hinhintay nito," birong wika ng kaklase namin kay Chie.
"Ang tagal mo dumating sa fountain kaya umalis na ako dun," panimula ko sa kanya baka magtaka hindi niya ako nakita dun.
"Nagpunta ako sa library saglit para sa assignment natin kimuha ako ng book." aniya.
"Saan tayo gagawa ng assignment?" tanong ko sa kanya.
"Sa inyo na lang," aniya sa akin.
"Bakit hindi sa inyo para sama-sama tayo sa paggawa ng assignment?" tanong ko sa kanya nang naglalakad kamimg dalawa palabas ng 7-11.
"Wala si Jia sa bahay at nandito pa sa school ang kapatid nya saka si Kecha may pupuntahan daw kaya hindi pwede kasi hindi palagi hawak ang susi ng bahay namin," aniya sa akin.
"Ah, ganun ba." aniko sa kanya.
"Oo." sambit niya sa akin.
"Sige, sa amin na lang para maipakilala kita sa magulang ko." aniko sa kanya.
Nagpaalam na ako sa mga kasamang kaklase at umalis na kaming dalawa ni Chie.
"Do you have a problem?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami sa isang restaurant.
"Wala," aniya at imiwas siya ng tingin.
"Hmmm, may girlfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya habang uimiinom siya ng tea.
"Hindi ko masasabing may girlfriend ako, kung wala naman talaga." sambit niya at umiwas na lang siya ng tingin sa akin.
"Will you be my boyfriend?" prangkang kong tanong sa kanya nang maubos niya ang iniinom na tea.
"Why?" takang tanong niya sa akin nang tumingin bigla.
"Because my EX," amin ko sa kanya nang titigan ko na lang siya sa mata.
"Sino ba siya?" tanong niya sa akin.
"Si Vhenno 'yong boyfriend ng kaibigan mo, gusto ko siyang gantihan." sambit ko na lang sa kanya.
"Bakit ako?" tanong niya sa akin.
Dahil may kakaiba sa inyong dalawa ni Jia.
"Kaibigan mo si Jia at girlfriend siya ni Vhenno," sambit ko kaagad sa tanong niya.
"Bakit ako pa? Dinamay mo ako sa plano mo," nasambit niya sa akin.
"Wala akong plano biglaan itong sumagi sa isip ko at gusto ko siya gantihan para magdusa siya kahit papaano," amin ko kahit dito man ako gumanti.
"Pero, masasaktan si Jia." aniya sa akin at tumingin siya sa mata ko.
"Gusto o mahal mo na si Jia, pinipigilan mo lang ang sarili mong mahulog ng tuluyan ng loob mo sa kanya." puna ko sa kanya.
Tumahimik na siya at nagbayad na siya ng bill nang pinag-kainan namin nang tawagin niya ang waiter. Lumabas na kaming dalawa at naglakad-lakad.
"Paano mo naging kaibigan sina Jia at Kecha?" tanong ko sa kanya.
"Sa dating school namin sa China dun kami nagkakilala at naging magkaibigan," aniya at napansin kong nakasuksok sa bulsa ang kamay niya.
"Napansin ko na iba ang tingin mo sa kanya," aniko napatingin siya sa akin.
"Napansin mo pala ganun talaga ako sa isang kaibigan," sambit niya pumasok kami sa loob ng simbahan.
"Iba ang tingin mo sa kaibigan nyo na si Kecha at kay Jia may kahulugan ang pagtingin mo sa kanya, pwede ba ako magtanong sayo?" tanong ko tumabi ng upo sa tabi niya.
"Ano ang itatanong mo?" tanong niya sa akin at napatingin siya.
"May gusto ka ba kay Jia?" tanong ko sa kanya nakipag-titigan ako.
"Bakit mo natanong 'yan?" tanong niya sa akin.
"Dahil iba ka kung makatingin sa kanya at ganun si Vhenno kay Jia nang iwan niya ako," sambit ko ng mahina at tumingin ako sa altar para maka-iwas ng tingin sa kanya.
"Iwan? Naging kayo ba ni Vhenno?" tanong niya sa akin bumili ng dirty ice cream sa nagtitinda nang lumabas na kami ng simbahan.
"Aaminin ko sayo na noon naging kami ni Vhenno pero, naka-move on na ako sa aming relasyon," sambit ko kinuha ko ang inaabot niyang dirty ice cream sa akin.
"Naka-move on ka na ba talaga? Kung totoo, bakit wala kang pinalit sa kanya bilang boyfriend mo?" tanong niya sa akin naupo kami sa bato kung saan may nakatayong puno.
"Kung magkakaroon ako ng bagong boyfriend gusto ko kapag nakita ko na siya at mamahalin niya ako ng tapat," aniko at dinilaan ko ang ice icream.
"Tama ka," aniya at dinilaan na rin niya ang hawak niyang ice cream.
"Gusto mo ba makita ang pagseselos ni Jia kapag magkasama tayong dalawa? Nakita ko rin sa kanya nung magkasama tayo nun, ang selos na nararamdaman niya nakita ko 'yon sa mga mata niya," sambit ko muling dinilaan ko ang hawak na ice cream.
"Selos? Imposible....." sagot ni Chie natawa na lang sya.
"Kaibigan ang turing ko sayo mula nang makausap kita mabait ka alam kong tinatago mo ang feelings mo kay Jia tulad mo ako noon kay Vhenno pero, sa huli iniwan niya ako manghihinayang man ako kahit papaano naging masaya ako sa piling niya," amin ko sa kanya.
"Sa tingin mo makikita kong magseselos siya?" tanong niya sa akin.
"Kung mahal mo ang isang tao makikita mo sa mata niya ang selos na mararamdaman niya," aniko sa kanya.
"Hindi ko alam na kaibigan mo na ako nun para sa akin hindi pa, sige pag-iisipan ko ang suggestion mo," aniya.
"Bukas date ulit tayo, hindi pala date kilalanin natin ang bawat isa bilang magkaibigan," aniko at ngumiti na lang ako sa kanya.
"Friends?" aniya sa akin at makikipag-kamay siya sa akin bago ngumiti.
"Friends," aniko hinalikan ko siya sa pisngi nabigla naman siya sa ginawa ko.
Kinabukasan
Habang namamasyal kami ng kaibigan ko nagpaalam siyang pupunta sa restroom at hindi ko inaakalang makikita ko ang magkakaibigan at binati ako ni Chie.
"Hey!" bati ko nang makita ko si Chie at hinalikan ko siya sa pisngi nagulat naman ito sa ginawa ko.
Kasama naman niya ang dalawang kaibigan.
"Hi, Thea!" bati ni Chie nang lumayo na ito sa akin.
"Hi, Kecha!" bati ko kay Kecha nang mapansin ko siya.
"Free ka ba?" tanong ko kay Chie nang tumingin ito sa kaibigan niya na si Jia.
"Hmmm..." alanganin niyang sambit saka tumingin muna sa kaibigan niya at nakita kong nakasimagot na ito.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Sige," sambit ni Chie sa akin nang ibalik ko ang tingin.
"Hi din!" bati ni Kecha sa akin nang tumingin at ngumiti.
"Bukas ah!" sambit ko kay Chie saka umalis sa harap nilang tatlo.
"Bukas akala ko ngayon?" takang tanong ni Chie lumingon ito sa akin.
Nakita ko ang kaibigan ko at kinawayan niya ako.
"May pupuntahan kami ng kaibigan ko ayun siya," sambit ko at tinuro ko ang babaeng nakatayo sa tapat namin.
"Ni weisheme tongyi?" simangot nasambit ni Jia at lumakad na kami palayo sa kanila.
(Why do you agree?)
"Gusto ko lang," wika ni Chie.
"See you tomorrow, Ken!" aniko kumaway ako bago lumayo na rin sa kanila.
"Sige," sambit ni Chie.
"Ano ka ba!?" sita ni Kecha sa kaibigan niya.
Hindi nakasagot si Jia sa sinabi ng kaibigan natahimik na lang siya.
"Huh? Friendly date lang 'yun, pengyou." sabat ni Kecha sa kaibigan.
(friend.)
Narinig ko ang sinabi ni Jia napapangiti na lang ako. Napapa-isip kung bakit ganun reaksyon nito nang malaman niyang may lakad kami ng kaibigan nito na si Chie.
"Bakit ka nakangiti dyan?" puna ni Heira sa akin nang makalapit ako sa kanya.
"Masaya lang ako para sa bago kong kaibigan," sambit ko na lang.
"What do you mean?" tanong niya sa akin.
"Nothing, tara mamili tayo ng grocery ko para sa bago kong titirhan." sambit ko na lang.
"Hihiwalay ka na pala sa magulang mo mabuti at pumayag sila," aniya sa akin.
"Malapit sa school ang lilipatan ko apartment siya hindi malaki at maliit tama lang sa akin," aniko sa kanya.
Tumango siya sa akin at sumakay kaming dalawa sa taxi at pinapunta namin sa SM.