Overprotective or Obsession Habang naglalakbay kami patungong cafeteria ay nadaanan namin si Migz sa may bandang Business Administration Department. Akala ko ba nasa cafeteria na sila? Bakit nandito pa si Migz? "Hi, Leigh." He greeted me cheerfully. Parang binanggit nya lang ang buo kong pangalan. Nagulat pa ako ng umakbay sa akin si Migz kaya napatitig ako sa kamay nyang nasa balikat ko. Hindi ko na sya magawang batiin pabalik dahil ang awkward na ng sitwasyon namin. "Fѷck you, Miguel! Remove that fѷcking hand of yours before I reap your ass off!" Napaiktad ako sa biglaang pag-daing ng lalaking nasa aking kanan. Hindi pala nakawala sa mga mata nya ang ginawa ng pinsan. Nagsisimula na naman sila! Napangiwi ako sa biglaang paghalakhak ni Migz sa aking kaliwa at unti-unting inalis ang