Consideration "Hy, Hyleigh, gising! Wake up!" Nagising ako sa walang humpay na pag-alog ng kung sino sa katawan ko. I groaned softly. "Hyleigh Molina, ano ba? Gising na nga. Hy?" Hindi pa rin ito tumutigil kaya wala akong nagawa kundi ang imulat ang mga mata kong gusto pa sanang matulog. Pagod akong bumalikwas mula sa pagkakahiga at ilang beses na kinusot ang mga mata bago bumaling sa taong umisturbo sa tulog ko. An apprehensive features of my bestfriend greeted my morning being. "Trace, isturbo ka!" Reklamo ko. Mataman itong nakatayo sa gilid ng aking kama. Ilang segundo lang ay inalis nito ang kumot na nakapulupot sa kalahating katawan ko. It's like she's examining every pieces of me. "Tayo ka, Hy! Bilis!" Aniya at hinahablot ako patayo. "Trace, ano ba?" I groaned again. She