Vivid Walang patid ang agos ng aking mga luha habang nakaupo't nakayuko sa sariling mga bisig sa mismong gilid ng kalsada. Mahigit sampung minuto na ako sa ganitong estado at naghihintay kay Tracey. Ni hindi ko magawang pansinin ang mga sasakyang dumaraan metro lang ang layo mula sa aking kinaroroonan. Wala na yatang mas titindi pa sa sakit at pagkabigo na pinag-dadaanan ko ngayon. Napakarupok ko, ni hindi ko man lang naipagtanggol ang aking sarili at ang mas matindi pa'y nasisante ako sa trabaho ko. Ano pang mas malala dito? Pakiramdam ko'y magiging patapon na ang buhay ko pagkatapos ng mga nangyari ngayon. "Hyleigh?" Nag-angat ako ng tingin sa taong dumulog sa akin. Lalo akong napahagulhol at agad na tinapon ang mga bisig para yaposin ang bagong dating. Comfort! That's all I need