Regent "Leigh, sorry talaga. I'm so sorry for being irresponsible. I swear, it wasn't my intention to harm you. It really wasn't!" Walang humpay na paghingi ng tawad ni Ellize. Napapangiwi na lang ako dahil sa kakulitan n'ya. Bakit s'ya humihingi ng paumanhin, e ako naman ang may kasalanan sa nangyari. "Liz, no! Ano ka ba? Wala ka namang kasalanan. Bakit ka ba humihingi ng sorry?" Saad ko. Her floppy eyes were being sorry too. Nakokonsens'ya na ako. Bakit ba kasi s'ya ang sinisi ni Zig sa nangyari sa akin? He's an inferior and baseless. "Ang sabihin mo takot ka lang kay Zig," Sabat ni Callum na nasa likod namin. Kasalukuyan kaming nag-uusap dito sa isang silid sa faculty building dahil dito ako dinala ni Liz dahil gusto n'ya raw akong maka-usap ng masinsinan. Pero hindi naman iyon a