Official "Hy?" Rinig kong tawag ni Tracey mula sa labas ng pinto ng banyo. "Una na 'ko, ha? See you in school. Bye bye." Paalam nito. Hindi ko na magawang pigilan pa ang pag-alis ni Tracey. Kasalanan ko kasi ito dahil late na naman akong nagising kaya heto, napag-iwanan tuloy ako. Napuyat kasi ako kagabe dahil panay ang text ni Zig at panay rin naman ang tugon ko kahit wala namang kabuluhan ang paksa namin. Basta feel ko lang na i-reply sya kagabe. Matapos nya kasi akong ihatid at hanggang sa makauwi sya sa condo nya ay binaha na nito ng messages ang inbox ko. I'm not sure if he's just fond of texting or what?! Mabuti na lang at sa music org. ang unang period ko dahil may meeting daw ang lahat ng member kaya medyo makakaabot pa ako. Binilisan ko na ang pagligo at nang medyo tapos n