STEPHEN'S POV "Nakita mo si Lena, pards? Grabe chicks na chicks!" Natigilan ako sa pagpasok sa locker room dahil sa narinig ko. "Oo. Nakita ko kanina pagpasok niya. Hindi ko nga nakilala eh. Pati pananamit niya iba na din. At naka make up pa talaga pards! Lalo tuloy akong nainlove sa kanya." Nagpantig yung tenga ko sa narinig ko. Ano daw? Inlove sila kay Lena?! Anong karapatan nilang mainlove kay Lena ko?! "Lul ka pards! Alam mo namang nabakuran na ni Captain yun eh. Didiskarte ka pa." "Eh ano naman? Sila na ba? Hindi pa naman diba? Hindi nga sinasagot ni Lena yung mayabang na yun eh. Ibig sabihin hindi siya gusto ni Elena." Pabalya kong sinipa yung pintuan ng locker room. "S-Stephen.. este.. Captain!" Ang lakas ng loob niyang magsalita ng kung ano ano laban sakin pag nakatalikod, duw