ELENA'S POV Mabuti naman at hindi na ako ginugulo nung hudas na Stephen na yun. Siguro nauntog siya yon. Nabagok. Nagka amnesia. In short; I'm Stephen Araullo free! Yes!! Kagaya ngayon.. Philo 101 time namin at nandun siya ulit sa sulok, May kinakalantari na namang babaeng kinulang sa tela ang damit. Like seriously?! Gawain ba ng matinong estudyante yan? Officer pa siya ha! Pero okay na din.. Atleast hindi ako ang pinepeste niya. "Okay class, since ako ang first subject teacher niyo for the week.. Ako yung magsasabi sa inyo ng magandang balita." Naka cross arms na sabi ni Sir Vitor. "Three weeks from now will be St. Celestine's Founding Anniversary at magkakaroon tayo ng talent contest at the end of the week. Required na magkaroon ng isang representative mula sa lahat ng klase, from e