Tahimik at masaya ang buhay ni Amethyst Penida. Sa edad niya na dalawampu’ tatlong gulang. Malayo na ang kaniyang nararating. Marami na siyang napapatunayan sa kaniyang sarili. Anak ng isa sa pinakamayaman angkan sa Cebu. Lunod sa mga papuri dahil isa itong sikat na Interior Designer.
Ngunit magugulo ang kaniyang tahimik na mundo sa pagdating ng lalaki sa kaniyang buhay. Ang makulit at pilyong binata na si Zion Emerson Villanueva. Nakita siya nitong tumuntong sa isang tulay at napagkamalan siya nitong magpapakamatay kaya kaagad siya nitong iniligtas.
Sa araw-araw na pinagtagpo ang dalawa. Hindi maiiwasan na mahulog ang loob nila sa isa’t-isa . Pag-iibigan na pilit hinahadlangan ng kanilang pamilya. Na lingid sa kanilang kaalaman noon pa man mortal na magkaaway ang kanilang mga angkan.
Dalawang taong nagmamahalan maiipit sa hidwaan at sigalot ng dalawang makapangyarihang angkan. Kaya ba nilang panindigan ang tawag at bugso ng kanilang mga damdamin?
Ano nga ba ang dapat mananaig? Pag-ibig o paghihiganti? Alin ang mas matimbang pera o pamilya?
Sundan ang pagmamahalan Amethyst at Zion. SA NGALAN NG PAG-IBIG.