EPISODE 15 FEELINGS PHOEBE’S POINT OF VIEW. “T-TALAGA? Dito ka lang muna? Babantayan mo ako?” sunod-sunod na tanong ni Alexis habang hindi pa rin siya makapaniwala na magsa-stay na muna ako rito. “Yes, bakit, ayaw mo?” Mabilis siyang umiling-iling. “S-Syempre… gustong-gusto ko, Sexy babe!” sabi ni Alexis. Napailing-iling na lang ako sa kanya sinabi. Nang tumalikod ako sa kanya at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil ang cute ni Alexis na magkasakit—sandali… ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Dapat ay umalis na ako! Pero bakit nandito pa rin ako? Napa kurap kurap ako sa aking mga mata at huminga ako ng malalim. Phoebe, maghunos dili ka. ‘Wag kang marupok. Kailangan mo nang iwasan si Alexis. Pero kawawa kasi siya. Aalis na lang ako kapag nakatulog na siya. Tama… tama. Muli akong